Here’s congratulating our mars-gandang Aiko Melendez dahil sa big honor niyang nakuha when she won the Best Actress award for “Asintado” sa isang international film festival sa London.
Nanalo si Aiko sa Foreign Language Film award sa International Filmmakers Festival of World Cinema, kung saan tinalo niya ang maraming magagaling na aktres from different parts of the world, gaya ng sa China, Denmark, India, Italy, United Kingdom, Taiwan at iba pa.
Hindi present si Aiko sa awarding kaya’t ang direktor nitong si Louie Ignacio (na nominado rin as Best Director) ang tumanggap on her behalf.
First time na manalo ni Aiko sa isang international film festival at dahil parami na nang parami ang local actors natin na nabibigyan ng ganitong recognition, balitang kinatatakutan na nga ang Pilipinas sa mga international filmfest.
Well, talaga namang world-class ang husay sa pag-arte ni Aiko. Super miss na nga namin siya na mapanood sa isang mainstream movie na bumida uli o mabigyan ng meatier role dahil sa totoo lang, wala siyang kupas sa ganda at husay! Congrats, gandang Mars!