Jodi alagang-alaga si Jolo, ayaw iwan sa ospital

jolo revilla

MARAMI ang nagulat nang pumutok ang balitang nagtangka raw na mag-suicide ang kaibigan-kumpare nating si Cavite Vice Gov. Jolo Revilla noong Sabado ng umaga?

Naisugod sa Asian Hospital sa Muntinlupa City si Jolo at sa kumpirmasyon ni nanay Lolit Solis (manager ni Jolo), totoo ngang tinamaan ito ng bala sa dibdib pero ligtas na nga sa mas malala pang sitwasyon.

Ayon sa spokesman ng pamilya Revilla na si Atty. Raymond Fortun, aksidente ang pagkakabaril kay Jolo – nililinis daw ng binata ang kanyang .40 Glock handgun sa loob ng kanilang bahay sa Ayala, Alabang umaga ng Sabado nang aksidente nitong makalabit ang baril at tamaan sa kanyang dibdib.

“(Vice Governor) Revilla is currently under observation and medication at Asian Hospital in Muntinlupa. He will remain in the hospital for at least the next 48-72 hours. The Revilla family asks for prayers for his speedy recovery,” ani Fortun.

Nanawagan naman ang Revilla family sa kanilang mga kaibigan na patuloy na magdasal para sa mabilis na pagbuti ng lagay ni binata.

Though marami ang nagsasabing may kinalaman sa personal na pinagdaraanan ng buong pamilya nina pareng Jolo ang pangyayari, we can only offer prayers and good wishes for him and his family.

Sigurado kaming nag-alala nang husto ang girlfriend ni Jolo na si Jodi Sta. Maria sa nangyari. Balitang hindi iniiwan ni Jodi si Jolo sa ospital, mismong ang aktres daw ang nag-aasikaso sa mga pangangailangan nito.

Read more...