Makapag-aasawa pa ba?

Sulat mula kay Lannie ng Lasang, Riverside, 

Davao City
Dear Sir Greenfield,

1. Mula ng mag-college ako at nakatapos ng college ay madalang ang nanliligaw sa akin. Isang beses lang ako nagka-boyfriend at ito ay noong high school pa ako pero hindi seryoso at hindi na rin nasundan ng iba pang lalaki. Sa ngayon ay umabot na ako sa edad na 34 at natatakot po akong tumandang dalaga at hindi na makapag-asawa, kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung makapag-asawa pa kaya ako? Kung makapag-aasawa pa, kailan kaya ito magaganap at sino kaya ang lalaking mapapangasawa ko at kailan ko kaya siya makikilala? September 16, 1980 ang birthday ko.

Umaasa,
Lannie Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Bagamat napa-dulo o medyo late na ng tumubo ang mahaba at makapal na Marriage Line (Illustration 1-1 arrow 1.) ang iyong palad kitang-kita pa rin ito at siguradong magaganap. Ibig sabihin, kahit 34 ka na sa ngayon at kahit abutin ka pa ng 35, walang duda, sa takdang panahong inilaan ng dakilang katalagahan, siguradong makapag-aasawa ka pa rin at habambuhay na liligaya.
Cartomancy:

Four of Hearts, Jack of Hearts at Seven of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing mas bata sa iyo ang lalaking iyong mapapangasawa at ito ay nakatakda mong makilala sa ika-apat ng buwan ng taon, sa ispesipik sa darating na buwan ng Abril.

Itutuloy….

Read more...