‘Nagkamali ako,’ sabi ni Jolo Revilla matapos ‘aksidenteng’ mabaril ang sarili

jolo revilla

“Nagkamali ako.”

Ito ang pag-amin ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla kahapon matapos na mabaril ang sarili, na ayon sa kanyang abogado na si Raymond Fortun ay isang ‘aksidente.’

Sa isang panayam, ikinuwento ni Fortun, na tumatayong tagapagsalita ng mga Revilla, ang kanyang pakikipag-usap kay Revilla.

“I said ‘How are you,’ and Revilla said, ‘Ito Atty. (Fortun), nagkamali ako e,’” kwento ni Fortun.Inilarawan ni Fortun ang kasalukuyang kondisyon ni Revilla na ““serious yet stable.”

Sa kabila nito, sasailalim si Revilla sa isang operasyon para mapatigil ang pagdurugo sa loob matapos namang mabaril ang itaas na kanang bahagi ng kanyang dibdib.

Sa isang post sa kanyang  Facebook account, sinabi ng nanay ni Revilla na si  Cavite Rep. Lani Mercado Revilla  lumabas na nagkakaroon ng pagdurugo ang dibdib ni Jolo batay sa resulta ng  CT scan.

“Pls Pray for VG Jolo. CT scan results show bleeding inside his chest. A tube will be inserted to drain the blood. His operation will be at 2pm.We need your prayers,” sabi ni  Mercado-Revilla.

Samantala, plano ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. na humingi ng 24 oras na  furlough para mabisita ang kanyang anak sa  Asian Hospital.

Sinabi ni Fortun na nakatakdang ihain ngayong araw o bukas ang petisyon para sa furlough. Sinasabing nililinis umano ni Revilla ang kanyang  .40 Glock handgun noong Sabado ng umaga nang aksidente itong pumutok.
Read more...