Gretchen sa away nila ni Marjorie: It’s silent war!

gretchen barretto
Inamin ni Gretchen Barretto na magkaaway sila ng kapatid na si Marjorie. Pero tumanggi na itong magdetalye pa kung saan nagsimula ang isyu sa kanila.

Sa isang interview, napilit din si Gretchen na sagutin ang isyu, hindi man diretsahang umamin, sinabi nitong, “But at least, it’s silent, ‘di ba? Invisible war, ‘di, silent war na lang!”

Base sa chika, naimbiyerna raw si Marjorie kay Gretchen dahil mas pinaboran nito si Liza Soberano kesa sa pamangkin na si Julia. Nag-post daw kasi si Greta sa kanyang social media account ng mga mensaheng pumupuri kay Liza bilang aktres.

Hindi raw ito nagustuhan ni Marjorie kaya simula noon, dinedma na nito ang kapatid.

Read more...