Aiko itinanghal na best actress sa London Int’l Filmmakers Festival para sa pelikulang ‘Asintado’

aiko melendez
Wagi si Aiko Melendez ng Best Actress in a Foreign Language Film sa London International Filmmakers Festival of World Cinema na ginanap kahapon sa London.

Nanalo si Aiko para sa kanyang performance sa indie movie na “Asintado (Between The Eyes)” na idinirek ni Louie Ignacio. Si direk Louie ang mismong tumanggap ng unang international award ni Aiko kasama ang producer nilang si Ferdinand Dizon Lapuz.

Read more...