Mo Twister kay Pacman: Wag mo nang gamitin ang Diyos sa pagpapayaman!

DJ MO AT MANNY PACQUIAO

DJ MO AT MANNY PACQUIAO

TINIRA ng kontrobersiyal na DJ na si Mo Twister si Manny Pacquiao dahil sa paggamit nito sa pangalan ng Diyos sa promo ng darating na laban nila ni Floyd Mayweather, Jr..

Idinaan ni DJ Mo sa kanyang Twitter ang pang-ookray niya kay Pacman sa pamamagitan ng pagpo-post ng mga litrato nila ni Mayweather.

Ayon sa tweet ng radio DJ, “First of all, as a sports fan, thrilled about the @FloydMayweather @MannyPacquiao fight!

“But for Manny to say Glory to God that the fight is on, yet it’s a barbaric form of entertainment wherein you hurt humans in exchange for massive wealth, doesn’t make sense. You hurt people for a living, to be rich, for pride (ours and yours) so leave shouldnt God be left out of it?” ang sabi pa ni Mo Twister na kung  makapagsalita akala mo ay sakdal linid at walang bahid dungis. Ha-hahaha!

Nabasa kasi ng madaldal na ex-boyfriend ni Rhian Ramos ang Instagram post ni Manny kamakailan tungkol sa kumpirmasyon ng bakbakan nila ni Mayweather sa May 2 na gaganapin sa MGM Grand Las Vegas.

Sey ni Pacman sa kanyang IG message, “Finally he sign the contract so the fight is on, this is what im talking about that I sign already before, im just explaining to the fans and to prove that im not lying, i have the fear of the Lord. So this is it! The fight is on fans you deserve it thank you. to God be all the Glory.”

May point naman si DJ Mo, in fairness. Huwag na kasing ginagamit ni Pacquiao ang pangalan ni Lord sa mga laban niya sa boksing! Ang sabihin na lang niya, para sa bayan ang ginagawa niya at para sa mas lalo pa nilang ikayayaman ni Jinkee. At sa mas lalo pang pagsikat ni Mommy Dionisia! Ha-hahaha!

Read more...