Michael Pangilinan binastos ng bading, hinalikan sa lips

MICHAEL PANGILINAN

MICHAEL PANGILINAN

KAWAWA naman ang baby nating si Pare Ng Bayan Michael Pangilinan dahil ilang araw din itong tinamaan ng ubo’t sipon with matching sore throat dala marahil ng sobrang pagod at change of weather.
In fairness naman kasi to him, hindi niya ininda ang left and right niyang biyahe to fulfill his commitments these past days.

Wala naman kasi siyang matinong pahinga kasi nga marami kaming mga natanguang shows.

“Okay lang po iyon, ‘Nay. Sayang naman kasi pag pinakawalan natin ang mga bookings na iyon eh. Wala naman akong gagawin sa bahay maghapon. Mas gusto ko yung busy ako palagi. Kahit sa biyahe naman ay nakakatulog ako kaya walang problema. Nagkataon lang na nagkasakit ako nitong mga huling araw. Pero ganoon naman talaga.

“Lahat naman tayo ay nagkakatrangkaso or inuubo at times. Pero siyempre, dapat ay siputin pa rin natin ang ating mga commitments dahil hindi naman nila kasalanan kung magkasakit tayo, di ba? Kumbaga sa kasabihan, ‘the show must go on.’” ani Michael over the phone nang kumustahin ko ang kalagayan niya.

Hindi naman namin kasalanan kung nagkataong left and right ang naging commitments niya these past few days, eh. In fact, we appreciate every booking na inaalok sa amin. Masarap ang feeling for a new artist like Michael na napagkakatiwalaan ng maraming producers na maging bahagi ng kanilang palabas. But in fairness naman to me as his manager, hindi lang naman ako basta tanggap nang tanggap ng shows lalo pa’t sunud-sunod na araw ang sked.

I always ask him kung sa tingin ba niya ay kaya ng katawan niya dahil the shows offered to us entail a lot of traveling. Tulad last week, meron siyang taping for Gandang Gabi Vice with KZ Tandingan last Thursday. Nu’ng Friday naman ay meron siyang isang guesting for a private party in the afternoon then nag-taping siya sa Walang Tulugan ng GMA 7. Kinaumagahan ay lumipad kami for Bacolod City para sa isang fundraising concert with Ms. Token Lizares, Marion Aunor and Ate Gay. The next day ay lipad siya back to Manila dahil meron siyang kanta sa Santa Rosa, Laguna.

The next day (Monday) ay bumiyahe sila for Abra dahil isa siya sa special guests ng isang kapistahan doon. Pag-uwi ng Manila nitong Tuesday ay nag-serenade naman siya ng candidates sa SMX at 3 p.m. and did MOR 101.9 co-hosting with DJ Chacha in the evening. Habang nasa MOR 101.9 siya, doon na umatake ang sipon at ubo niya kaya si DJ Chacha na mismo ang nag-advise sa kaniyang umuwi na at magpahinga.

“Ngayon ay nakapagpahinga na naman ako, kulang lang siguro ako sa vitamin C kaya humina ang resistance ko. Now I’m okay again. Nakapagpahinga na ako and recharged kahit papaano. Kaya mamayang 2 p.m. ay kita-kits tayo sa Sta. Lucia Mall para sa book launching ni Tito Joven Tan. Kakanta ako roon kaya see you all there,” anyaya ni Michael sa kaniyang mga followers most especially ang Michael’Overs.

Read more...