DEAR Manang,
Ako po si Ria, 19- years-old mula rito sa South Cotabato.
Ask ko lang po kung ano ang gagawin ko kasi naguguluhan na po ako. May BF po ako pero ayaw ng mga magulang ko sa kanya kasi baka daw paglaruan lang ako. Playboy daw kasi ang BF ko. Pero sa nakikita ko naman sa kanya ay faithful naman siya sa akin at sobrang mahal ko po siya.
Ano po kaya ang dapat kong gawin? Inaaya na rin niya akong magpakasal pero parang masyado pang maaga para pumayag ako na mag-asawa na kami.
Ria, South Cotabato
Hello, Ria at sa inyong mga taga-South Cotabato!
Alam mo my dear, normal lang naman ang reaksyon ng iyong pamilya dahil, malamang sa hindi, ay may mga narinig o nalaman silang kwento tungkol sa nakaraan ng iyong BF.
Pero hindi ka dapat mangamba. Ako ay naniniwala na “past is past.” Just keep an open mind and use your good judgment sa iyong nobyo. Suriing mabuti ang kanyang pagkatao and do your own research. Madalas kasi kapag in-love ang isang tao, hindi na niya agad nakikita ang mga pagkukulang o mali ng taong kanyang iniibig. I suggest lang, maging objective pa rin. Paano? Isang tip—huwag na huwag magmamadali. Kahit mahal na mahal mo siya, wag pabigla-bigla sa desisyon na sumama sa kanya at magpakasal.
My dear, you’re 19 and I think you’re so young. Marami ka pang pwedeng gawin sa buhay mo bago pasukin ang magulong buhay may-asawa.
“Freshness” ka pa iha… Take your time and get to know your jowa better. I’m sure maraming marami ka pang madi-discover about him, ganoon din siya sa iyo at ikaw sa iyong sarili. Kung mahal ka niya, walang reason para magpakasal kayo agad-agad.
Paano ang pag-aaral mo? Career? Sabi nga, “Love takes time.”
Isa pa, kapag nakilala na siya ng iyong pamilya, walang dahilan para pagdudahan nila siya, hindi ba?
Kapag mahal ka ng tao, he will make sure that everything will be good for you. Hindi niya ikukumpromiso ang ti-ngin sa iyo ng pamilya mo dahil importante sila sa iyo. Irerespeto niya sila nang walang agam-agam. Trust me on this.
Sabi nga ‘di ba, when you love, save some for yourself. Magtira para sa sarili para mahalin ka rin niya nang husto. Do what’s best for you and your relationship will blossom into a mature and healthy one. As in!
Salamat, Ria, sa pagtitiwala na humingi ng advice sa iyong Manang. I wish you all the best and I hope makatapos ka muna.
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.