Kris pinaglaruan lang ni Bistek, sinamantala raw ang kahinaan

HERBERT BAUTISTA AT KRIS AQUINO

HERBERT BAUTISTA AT KRIS AQUINO

KAHAPON ay inilabas natin ang kabuuang istorya ng aborted romance nina Kris Aquino and Q.C. Mayor Herbert Bautista. I can’t help but print the whole of it sa column natin yesterday dahil it was very interesting.

Napakaraming “soundbytes” sa story na iyon that made me realize kung paanong pinaglaruan ni Bistek si Tetay. Imagine, to offer marriage sa isang babaeng just because you’re tired of chasing around – tired of failed relationships and all. Plus making Kris believe na separated na raw siya sa kaniyang long time live-in partner (referring to Tates Gana for sure).

Sa pagkakaalam ko kasi, noong sumabog ang relasyon nina Kris at Bistek ay very much on sila ni Tates Gana. To this day ay sila pa rin, ‘no! Hindi totoong hiwalay na sila. In fact, para maibsan ang sama ng loob ni Tates and her kids had to fly to the States at nanahimik para hindi na lumaki pa ang isyu.

Ang totoo kasi riyan ay hindi talaga sila kasal ni Herbert pero nagsasama sila. Kaya na-shock ako sa revelation ni Kristeta na niyaya siyang magpakasal ni Herbert dahil separated na siya with his live-in partner. Mahusay palang magdrama si Bistek, ‘no? Obviously rin, he just took Kris for a ride – a joyride.

Now that everything has been told, hindi ko alam kung paano ida-damage control ito ni Bistek. Kasi nga, sino ba namang matinong nag-propose ang bigla na lang hiniwalayan ang girlfriend over the phone four days after or so? Kung seryoso siya sa alok niya ng kasal, sana ay talagang sinuyo niya hanggang sa maikasal sila. Sana pinanindigan niya or at least naging honest siyang amining niloko lang niya ang babae.

Isang maliwanag na panlilinlang ang ginawa niya kay Kris, kung ibabase mo sa kuwento nito sa blog niya. Kumbaga, he took advantage of Kris’ weakness. Alam niya kasing matagal nang naghahanap ng companion si Kris na isa ring baliw at kalahati pag sa usaping pag-ibig ang concerned – hayan, sinamantala ni Bistek ang kasyongahan ni Kris sa lovelife. Tapos sasabihin niyang kaya siya nakipaghiwalay dahil ayaw niyang ma-brand na “user” because he’s into public service. Hay naku, kaloka si Bistek. Matulis ka talaga sa babae! Ha-hahaha!

Sana ay natuto na si Kris from this – matuto again. Palagi na lang siyang semplang sa lovelife. Kawawang lukis, di ba?

Read more...