Horoscope, February 26, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Sa pinansyal ituloy mo lang ang pagpupursege, siguradong sa edad mong 43 pataas mararating mo rin ang tagumpay. Sa pag-ibig, hindi dapat kontrahin ang suwestiyon ng kasuyo na may kaugnayan sa pagpapalago ng kabuhayan. Mapalad ang 4, 18, 27, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Red at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Hindi makukuha sa puro na lang pakikipagkuwentuhan ang magandang kapalaran. Mabilis na aksyon ang kailangan wag puro dada. Sa pag-ibig, nanlalamig ang kasuyo, ipadama sa kanya ang mainit na romansang noon mo pa inihahanda. Mapalad ang 3, 18, 27, 35, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Ipsa-Scientia-Potesta-Om.” White at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Maging maingat sa pagpili ng kososyo at maging maingat din sa paglalagakan ng salapi upang hindi ka na uli malugi. Sa pag-ibig, ituon ang pansin sa kasuyong Virgo. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vajur-Veda-Om.” Purple at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Bago makialam sa iba, pagbutihin muna ang sariling buhay. Mag-concentrate sa pagiipon ng salapi at iwasan ang labis na pag-gasta. Sa pag-ibig, pahalagahan ang pagsisikap na ginagawa ng kasuyong Aquarius. Mapalad ang 5, 17, 23, 35, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kuntha-Vai-Nava-Om.” Green at black ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Kung gusto mong magsimula ng bagong buhay, laging tumingin sa future. Darating ang araw makaka-ahon karin sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig panatiliin ang pag-ibig sa isang Scorpio upang mapawi ang kalungkutan. Mapalad ang 7, 11, 29, 34, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Green at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Magpakatatag dahil ‘yon ang tamang para malagpasan mo ang lahat ng mga pagsubok. Malapit ka ng magkapera ng malaking halaga pagpasok ng buwan ng Marso. Sa pag-ibig, wag mag alala mahal ka ng kasuyong Aries. Mapalad ang 4, 10, 19, 28, 35, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nirayana-Om.” Yellow at purple ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Kung may tampuhan kayo ng minamahal, resolbahin agad bago tuluyang mawasak ang relasyon. Sa pinansyal, malapit na ang suweldo kaya magkakapera ka na naman. Mapalad ang 5, 14, 23, 31, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jana-Kaliyuga-Om.” Beige at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Wag umasa sa iyong mga kadugo at kamag-anak. Sariling diskarte ng pagpapayaman ang ipatupad. Sa pag-ibig, ang pagtatampo ng kasuyo ay lilipas din. Mapalad ang 6, 15, 24, 29, 32, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Purana-Om.” Red at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Mag-ingat sa pagpapahayag ng opinyon at nararamdaman. Sa maling salita maaari kang mapahamak. Isipin mo munang mabuti ang anomang sasabihin sa kausap, upang hindi ka mamali ng diskarte. Mapalad ang 2, 11, 29, 34, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Govardana-Om.” Green at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag pang hinaan ng loob! Kung lalakasan mo ang iyong loob, noon ka pa sana mayaman! Sa pag-ibig, lakas din ng loob ang susi upang ikaw ay lumigaya at magtagumpay. Mapalad ang 5, 9, 27, 36, 42 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Sukadeva-Om.” Red at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Paminsan-minsan matutong magparaya! Hindi kailanman liligaya kung ikaw ang laging nasusunod. Hayaang ang kagustuhan ng kasuyo ang matupad. Panahon na upang ipaubaya sa iyong kasosyo ang diskarteng nalalaman niya upang magtagumpay ang transaksyon. Mapalad ang 9, 18, 30, 33, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Gray at silver ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Limutin na ang nakaraang relasyon sa ganyang paraan mas madali kang makapagmu-move-on. Sa pinansyal, bagong negosyo na may kaugnayan sa pagkain ang dapat. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Savitre-Om.” Yellow at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Medyo mababagot ka sa araw na ito. Panahon na upang magbagong buhay. Palitan na ang kasuyong matagal mo nang pinagtitiisan. Sa pinansyal, wag ng asahang magbabayad pa ang mga taong sa iyo ay may pagkakautang. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Sandhapa-Om.” Red at green ang buenas.

Read more...