Mr. Fu todo panlalait sa GMA stars; Julie Anne, Bea, nabiktima

mr fu
Marami pala ang naiimbiyerna kay Mr. Fu. Kumalat na sa social media ang pang-ookray niya sa mga artista ng GMA 7.
Isang Facebook fan page ang nag-post ng aria against Mr. Fu: “PANAWAGAN SA MANAGEMENT NG 106.7 ENGERGY FM.

“Sana po ay tapalan niyo ang bunganga ng baklang dj niyo na yan pangalan ay jeffrey espiritu aka MR. FU todo todo po maka lait yan sa mga artista lalo na po sa mga artist ng GMA7 na hindi naman dapat gawain ng katulad niya din na nangangarap para sumikat.

“Kung may time kayo mga kapuso pakinggan niyo po yang dj nayan 8:50 am meron siyang segment sa ENERGY FM (106.7) na tinatawag niyang SHOWBIZ FU, sa nasabi kung segment diyan niya todo todo nilalait ang mga kapuso artist like bea binene, louise delos reyes, julie ann san jose, andrea torres at kung sino sino pa.

Kasama niya sa pang lalait ang KB niya na pangalan EMILY. “Kaya MR.FU wag kang MAPANGLAIT sa kapwa mo  DAHIL KUNG TUTUOSIN STARLET KARIN BAKLA.”

‘Yan ang nakakalokang post sa isang FB fan page. “Tama super nga sya makalait. vice ganda yung level ng pagiging mapanglait nyang baklamg yan. nkikinig ako sa kanya mon to fri inaabangan ko yung showbiz fu nya.

Isa pa yung PA nyang yata yun sarap pektusan,” one guy said. “Oo nakikinig ako sa program nya madalas nya ngang laitin ang mga kapuso star at kanina sinabi nyang mga starlet na lang daw ang natira sa SAS ky huling beses ko ng makikinig sa kanya.

“Panay puri nya sa mga artist at mga palabas ng abs cbn… mas ok pa nga ang secretery nya doon kc di bias. Gusto nya pang magkaprogram sa GMA nanawagan xa pero kung laitin naman mga artista at mga show ng GMA eh ganun na lang sabay magtatawa!” hinaing ng isa pa.

“Kapal pla ng face ng baklang yan!!!” mataray naman na komento ng isa pa. Any comment, Mr. Fu?

Read more...