DEAR Aksyon Line
Magandang araw po. Isa po ako sa nakakabasa ng column nyo sa Bandera. At alam ko po kayo lang po ang makakatulong sa amin.
Sumulat po ako sa inyo upang humingi ng tulong para sa tito ko. Nawala po kasi ang mga file nya at SSS number noong nagkaroon ng bagyo at baha sa lugar nila. Siya po ay 62 years old na at hanggang ngayon po ay wala pa syang nakukuhang benepisyo sa SSS. Lumapit na po sya sa main SSS sa Manila upang ipabuklat ang nawala nyang SSS number. Pero hindi raw po sya binigyang pansin at sabi po ay wala daw po ang kanyang pangalan. Nagtrabaho po sya noong 1971-1974; 1983-1988 sa Manila Bay Hosiery Mills Inc.# 201 Dalisay St.Bacood Sta Mesa Manila…at 1990-1993 CMSI Services.
Ang pangalan po ng tito ko ay RODOLFO CALVARIO VERZO. I-pinanganak po sya noong July 22, 1952 at sana po ay matulungan nyo kami gusto lang po sana na-ming malaman ang SSS number nya at requirement sa pagkuha ng mga benepisyo niya.
Maraming salamat po at lagi po kayong patnubayan ng Maykapal.
REPLY: Base sa iyong katanungan Ms. Cristina, lumalabas sa aming record na may anim na pangalan ang Rodolfo C. Verzo.
Ngunit ang birth of date na ibinigay mo na July 22, 1952 ay hindi namin makita sa record o hindi magtugma sa mga birthday na nasa aming record.
Sa anim na may pangalang Rodolfo C. Verzo. may dalawang ipinanganak ng 1943, dalawa rin sa 1948 habang tig-isa naman ng ipinanganak ng 1947 at 1975.
Mas mabuti po Ms Cristina na samahan ang iyong tito na muling pumunta sa SSS branch at dalhin kung ano pa ang natitirang record gaya ng birth certificate, employment record ngunit kung kasamang nalubog sa baha ang kanyang birth certificate ay maaari naman na muling kumuha sa NSO habang ang kanyang employment record ay maaa-ring sabihin ang mga detalye o employment history sa SSS.
Sa pamamagitan nito ay malalaman ang kanyang SSS number at status para sa kanyang pension benefits.
Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan Ms. Cristina
Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer,
Media Affairs
Deparment
SSS
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.S