Missing record sa SSS | Bandera

Missing record sa SSS

Liza Soriano - February 25, 2015 - 03:00 AM

DEAR Aksyon Line

Magandang araw po.  Isa po ako sa nakakabasa ng column nyo sa Bandera. At alam ko po kayo lang po ang makakatulong sa amin.

Sumulat po ako sa inyo upang humingi ng tulong para sa tito ko.  Nawala po kasi ang mga file nya at SSS number noong nagkaroon ng bagyo at baha sa lugar nila.  Siya po ay 62 years old na at hanggang ngayon po ay wala pa syang nakukuhang benepisyo sa SSS.  Lumapit na po sya sa main SSS sa Manila upang ipabuklat ang nawala nyang SSS number.  Pero hindi raw po sya binigyang pansin at sabi po ay wala daw po ang kanyang pangalan.  Nagtrabaho po sya noong 1971-1974; 1983-1988 sa Manila Bay Hosiery Mills Inc.# 201 Dalisay St.Bacood Sta Mesa Manila…at 1990-1993 CMSI Services.

Ang pangalan po ng tito ko ay RODOLFO CALVARIO VERZO.  I-pinanganak po sya noong July 22, 1952 at sana po ay matulungan nyo kami gusto lang po sana na-ming malaman ang SSS number nya at requirement sa pagkuha ng mga benepisyo niya.

Maraming salamat po at lagi po kayong patnubayan ng Maykapal.

REPLY: Base sa iyong katanungan Ms. Cristina, lumalabas  sa aming record na may anim na pangalan ang Rodolfo C. Verzo.

Ngunit ang birth of date na ibinigay  mo na July 22, 1952 ay hindi namin makita sa record o hindi magtugma sa mga birthday na nasa aming record.

Sa anim na may pangalang Rodolfo C. Verzo. may dalawang ipinanganak ng 1943, dalawa rin sa 1948 habang tig-isa naman ng ipinanganak ng 1947 at 1975.

Mas mabuti po Ms Cristina na samahan ang iyong tito na muling pumunta sa SSS branch at dalhin kung ano pa ang natitirang record  gaya ng birth certificate, employment record ngunit kung  kasamang nalubog sa baha ang kanyang birth certificate ay maaari naman na muling kumuha sa NSO habang ang kanyang employment record ay maaa-ring sabihin ang mga detalye o employment history sa SSS.

Sa pamamagitan nito ay malalaman ang kanyang SSS number at status para sa kanyang pension benefits.

Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan Ms. Cristina

Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer,
Media Affairs
Deparment
SSS

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?   Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City  o kaya ay mag-email  sa [email protected][email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran  sa abot ng  aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ  990AM sa  Programang Let’s Talk;  Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7  hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng  Bayan tuwing  Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.S

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending