‘Iskolar’ ng may asawa na (2) | Bandera

‘Iskolar’ ng may asawa na (2)

Joseph Greenfield - February 25, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Ellen ng Larena Drive, Taclobo, Dumaguete City

Problema:

1. May karelasyon ako sa ngayon na isang lalaking may asawa na. At hindi ko siya maiwasan dahil sa kasalukuyan siya ang bumubuhay sa akin, nagbibigay ng pera at allowance sa aking pag-aaral. May pangako naman siya na sa sandali daw na magkahiwalay sila ng kanyang asawa, ako daw ang papakasalan nya at papakisamahan habambuhay.

2. Naisipin kong sumangguni sa inyo upang itanong kung magkakatotoo kaya ang pangako niyang ito sa akin? Malaki kasi ang agwat ng aming edad, kaya tatanong ko na din kung may possibility kaya na kami ang magkakatuluyan at masasama habambuhay sa bandang huli? July 13, 1995 ang birthday ko at October 15, 1972 naman ang birthday ng lalaking karelasyon ko sa ngayon.
Umaasa,
Ellen ng Dumaguete City
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ay nagsasabing hindi mo naman ka-compatible ang lalaking karelasyon mo na isang Libra, kung saan, may posibilidad na sa bandang huli, maaaring magkahiwalay din kayo, lalo na kapag natagpuan mo na ang lalaking tunay na ka-compatible mo na isinilang sa zodiac sign na Scorpio.

Numerology:

Ang birth date mong 13 ay nagsasabing bukod sa hindi mo ka-compatible sa Astrology ang lalaking karelasyon mo sa kasalukuyan, hindi rin ka-compatible ng birth date mong 13 ang birth date nyang 15. Ibig sabihin, tulad ng naipaliwanag na, pansamantala at hindi nga magtatagal ang kasalukuyan ninyong relasyon, kaya ngayon palang wag ka ng umasang magtatagal ang inyong samahan, upang kapag nagkahiwalay kayo ay hindi ka masyadong ma-frustrate.
Graphology:

Ang iyong lagda na nagsimula sa bilog pero naayos din sa gitna ang hanggang dulong bahagi ay nagsasabing kung may asawa na ang kinakamasa mo sa ngayon, ibig sabihin ay immoral at illegal, sa bandang huli magkakaroon ka rin ng maayos, legal at moral na ka-relasyon, sa isang binata na may kaya din naman sa buhay.
Huling payo at paalala:

Ellen ayon sa iyong kapalaran hindi kayo compatible ng lalaking kasalukuyan mong karelasyon na may asawa na, kung kaya’t sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, magkakahiwalay. Ang paghihiwalay na nabanggit ay magaganap sa taong 2017 sa edad mong 22, pataas kapag graduate ka na ng college. Sa panahong iyon, isang lalaking isinilang binata na may maganda ding hanapbuhay na isinilang sa zodiac sign na Scorpio ang iyong makakatagpo at sa panahong iyon siya na ang makakasama mo sa pagbuo ng isang masaya, legal at pang habambuhay na pagpapamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending