3 babaeng anak nina Cesar at Sunshine hirap na hirap na

CESAR MONTANO AT SUNSHINE CRUZ

CESAR MONTANO AT SUNSHINE CRUZ

INAMIN ni Sunshine Cruz na apektado at nasasaktan ang kanyang mga anak sa panibagong kontrobersiyang kinasasangkutan nila ng nakahiwalay na asawang si Cesar Montano.

Dahil dito, humingi ng paumanhin ang Kapamilya actress sa tatlong anak na babae dahil sa problema nila ni Buboy, kabilang na ang kasong isinampa niya kaban kay Cesar na may kaugnayan nga sa paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act.

Kung matatandaan, nagsampa ng panibagong kaso si Sunshine laban kay Buboy na may kinalaman sa “kabastusang” ginawa nito sa harap mismo ng tatlo nilang anak na babae.

Kahapon ng madaling araw, hindi na siguro napigilan ni Sunshine ang kanyang emosyon kaya nakapag-post ng isang mensahe para sa mga anak na sina Angeline Isabelle, Samantha Angeline at Angel Francheska.

Dito hiniling ng aktres na sana’y magpakatatag ang kanyang tatlong anak sa gitna ng kinakaharap nilang mga pagsubok.
Sey ni Sunshine, “Dear Tres Marias, I’m sorry things are bad now. Sorry…I know you girls are hurt. I promise things will get better soon. Please be brave and keep in mind mommy will be here for you all the time.

“Thank you for the love and for always trying your best to get good grades. I appreciate it mga anak. I really do. Mahal na mahal ko kayo…” dagdag pa ng aktres.

Kamakailan, idinenay ng action star ang mga akusasyon ni Sunshine na may ginawa siyang kahalayan sa harap ng mga anak, hindi raw siya masamang ama at hindi raw niya magagawa ang mga bintang ng nakahiwalay na misis.

Read more...