SUOT ng tiyuhin ni Pa-ngulong Noy na si dating Tarlac Rep. Peping Cojuangco and t-shirt kung saan ipinapakita ang pagkadismaya ng kanyang mga yumaong magulang sa Pangulo.
Ang t-shirt ay isinuot ni Peping sa pagtitipon sa Edsa Shrine upang ma-nawagan sa pagbibitiw ng kanyang pamangkin.
Nasabi na ng inyong lingkod ang dahilan kung bakit nanggagalaiti itong si Peping sa kanyang pamangkin, pero uulitin ko: Hindi siya nabigyan ng puwesto sa gobyerno.
Akala niya kasi ay bibigyan siya ni P-Noy ng puwesto kung saan siya’y makakapang-abuso na naman gaya noong panahon ng kanyang kapatid na si Pangulong Cory.
Sobrang abuso ang ginawa ni Peping noong panahon ng kanyang ka-patid.
Halos lahat ng mga appointments na ginawa ni Cory na palpak ay kanyang rekomendado.
Si Peping noon ay power broker, na ang ibig sabihin ay pinaglalaan niya o pinagbibili niya ang mga puwesto sa gobyerno sa mga kayang magbayad o sa kanyang mga kaibigan.
Nakarating sa Pangulo, na noon ay bata pa, ang pinaggagawa ng kanyang uncle kaya’t outside de kulambo si Peping sa administrasyon ni PNoy.
Paano mo naman paniniwalaan si Peping sa kanyang panawagan na magbitiw si PNoy dahil lamang sa hindi siya na-bigyan ng puwesto?
Kung dumarami ang mga kasong rape sa Puerto Princesa City, dapat sisihin sina City Prosecutor Joy Olga Rabang at Assistant Prosecutor Marivic Adla Bungay.
Sina Rabang at Bungay kasi ang parang nang-eengganyo ng mga rapist dahil dinidismis nila ang mga rape case kung saan ang mga biktima ay menor de edad.
Napakapait naman ng ginagawa ng dalawang piskal samantalang dapat nilang ipagtanggol ang kanilang mga kapwa babae sa panghahalay.
Mga 10 rape case na ang biktima ay mga bata ay dinismis nina Rabang at Bungay, ayon sa records ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa siyudad.
Tinagurian ng mga taga-DSWD-Puerto Princesa ang dalawang piskal na “hindi child-friendly” pero ayaw naman ng DSWD na punahin ang dalawa dahil takot ito sa kanila.
Ang isa sa mga biktima ay isang 12-anyos at ang isa naman ay pipi.
Alam sa Puerto Princesa na kapag nadismis ang isang rape case, money changed hands, ‘ika nga.
Ang mga dahilan na ibinigay ng dalawang prosecutors sa pagdismis ng mga nabanggit na kaso ay nakakatawa.
Halimbawa, ibinasura nina Rabang at Bungay ang kasong rape na isinampa ng isang 16-anyos na high school student dahil hindi na raw ito virgin.
Nagsumbong sa akin ang mga magulang ng bata tungkol sa pagkakabasura ng rape case habang nagbabakasyon ako sa aking farm sa Barangay Bacungan sa Puerto Princesa kamakailan.
Basahin ninyo ang ginawang dahilan ng dalawang piskal na babae kung bakit nila dinismis ang kaso:
“It is suprising to know that the person, claiming as 16-year-old minor (asus, hindi pa marunong sa grammar!—RT), has healed hymenal tears at 3 o’clock, 5 o’clock. 6 o’clock, 7 o’clock and 9 o’clock positions.
“This implies that the complainant, who is expected to have the innocence of a child, already had sexual experiences.”
Porbida kamo ‘day, dahil hindi na siya virgin ay wala na siyang kara-patan na magsampa ng rape sa taong nanghalay sa kanya?
Kabobobo naman ninyo!