HOY, makinig kayo kay Aling Kim Chiu – nakiusap kasi ito sa madlang people na huwag naman daw i-judge ang Papa Xian Lim niya dahil wala naman daw kayo roon nu’ng mangyari ang kagagahan ng kaniyang matangkad na ka-loveteam ek-ek.
Kumbaga, nanghihingi si Aling Kim ng konting pang-unawa dahil hindi n’yo naman personal na nasaksihan ang pangyayari sa Albay dahil kuwento lang naman ang nakarating sa inyo.
In a way ay may point naman si Aling Kim, di ba? Wawa nga naman si Papa Xian niya kung lahat na lang ay imbiyerna rito. Ano nga naman ang karapatan ninyong manghusga kung wala nga naman kayo roon.
Pero paano Aling Kim yung mga nandoon talaga? Puwede ba silang maging judge? Paano kung personal nilang nasaksihan ang pagmamaldita ni Papa Xian?
Basta kami, kahit wala kami roon ay gusto naming husgahan si Papa Xian mo, pasensiya na Aling Kim, ha. Kasi minsan na rin kaming nabiktima ng kabastusan at kaarogantehan ng Papa Xian mo.
Tanungin mo siya kung anong nangyari. I’m sure naaalala pa niya iyon at hanggang ngayon ay may konting poot pa sa puso namin ang partner mo.
Kasi nga, kakaiba ang breeding. Matabil ang dila – masyadong mataas ang tingin sa sarili and feeling – alam mo na. Hindi lang naman kami ang nakaranas ng kagaspangan ng Papa Xina mo eh – marami po kami.
Baka nasa hundreds na nga eh! Ha-hahaha! Binilang talaga. Anyway, ang daming nag-text sa amin tungkol sa pagkatao ng Xian Lim na ito – kung anu-ano pang kabalbalan ang mga pinaggagawa nito in the past.
Marami na pala siyang kakaibang eksenang nagawa na hindi pa natin alam. Ang nagmarka sa akin ay itong isang text message ng isang kasamahan sa panulat dahil sa naranasan daw ng kaibigan nitong travel agent sa mga kamay ni Xian Lim in 2010.
Diumano ay magbabakasyon sana sina Xian at Erich Gonzales (Alexander Lim and Erika Gancayco sa tunay na buhay) sa Hawaii mula Dec. 25 to Jan. 4 at mag-i-stay dapat ang dalawa sa Ohana, Waikiki, Hawaii.
Nag-walkout daw si Erich noon kaya hindi na ito tumuloy. Kaya lang, ang naging problema ay hindi binayaran diumano ni Xian ang plane tickets and hotel nila sa Hawaii.
Kaya ang pobreng travel agent ang nag-abono. Actually, more than anything, nagulat ako na meron palang something between Xian and Erich that time. Parang hindi naman natin narinig na may ganoong eksena sila, di ba?
Pero hayun, nabuko tuloy ang isang eksena nila. Kaya nga lang, mangiyak-ngiyak daw ang travel agent dahil instead na kumita ng konti sa commission sa pag-book sa dalawa, siya ngayon ang pinagbayad.
Kasi booked na raw at hindi na puwedeng ma-refund. Nu’ng sinisingil na raw nito si Xian, hindi na raw siya pinansin. Deadma na. Well, puwede kong isipin kahit paano that it’s not all Xian’s fault here, dahil hindi naman na-consummate ang bakasyong iyon – puwedeng may konting obligasyon siya sa bayaran pero hindi naman siya puwedeng piliting magbayad ng kabuuan dahil hindi naman niya nagamit ang tickets and hotel, di ba?
Ayan Xian ha, kahit paano’y kinampihan kita kahit 2% lang. Ha-hahaha! Pero sa ibang kabulastugan mo, I may say na talagang suplading ka talaga. Arogante ka talaga.
Anyway, tama na nga ang isyung Xian Lim. Nakakaumay na. Palagi na lang nega kasi ang isyu sa mamang ito. Para matigil na ang kabulastugang iyan, marami ang nagsusulong na i-boycott ang mga proyekto ni Xian at mga endorsements nito.
Kasi nga raw, hindi siya good example sa fans niya. Fans? May fans nga ba si Xian? Ha-hahaha! May mga gustong ideklara naman siyang persona non grata sa Albay, may nagsusulong namang dapat na siyang i-deport dahil hindi naman daw siya Filipino citizen.
Hay naku, bahala kayo kung anong gusto niyong gawin kay Xian Lim. Basta kami, hihintayin na lang namin ang mga magiging aksiyon ninyo. Ayaw ko nang masyadong mag-comment.
Pagod na ako. Sa pangalan pa lang ay hindi dapat gawing Pinoy star. Kasi nga Chinese siya. Dapat sa kaniya sa China nag-artista, di ba Kim Chiu?