Sulat mula kay James ng Poblacion, Norte, Don Carlos, Bukidnon
Problema:
1. Marahil ay masyado akong naging abala sa pagta-trabaho bilang pampublikong guro sa aming bayan, at sa pag-aasikaso sa aming pamilya. Ako kasi ang panganay, kaya umabot ako ng 35 nang hindi man lamang nagkaka-nobya.
2. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung sa edad ko bang ito kahit 35 na ako sa darating na Marso 7, may posibilidad pa kayang ako ay magkaroon ng girlfriend. Kung magkaka-girlfriend ako, siya na kaya ang mapapangasawa ko at kailan naman ito magaganap?
Umaasa,
James ng Bukidnon
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Pisces (Illustration 2.) ay isang babaing isinilang sa zodiac sign na Virgo, na halos kasing edad mo rin ang darating sa buwan ng Mayo, upang sa ayaw at sa gusto mo, may isang matamis at nakakikilig na suyuang magaganap.
Numerology:
Ang birth date mong 7 ay nagsasabing ang nasabing babae na magiging girlfriend mo sa taong ito ay isinilang sa petsang 2, 20 o kaya’y 29. Magiging mabuti siyang nobya at sa panahong kayo ay nagkatuluyan, sa 2017 tiyak ang magaganap – magiging mabuti din siyang asawa kung saan, bibiyaan kayo ng dalawang malulusog na mga anak.
Graphology:
May nababakas na takot at pag-aalala sa iyong lagda kaya tumagal tuloy ang iyong pag-asawa. Baguhin mo ang iyong lagda. Hindi dapat ibalikwas pabalik sa direksiyong kaliwa ang dulong bahagi ng letrang “m”. Sa halip, mas makabubuting pasibatin mo na lang sa direksiyong pakanan, ang pinakapaa ng letrang ‘m’. Sa ganyang pirma, walang duda, magkakanobya ka na, makakapag-asawa at habambuhay na liligaya.
Huling payo at paalala:
James ayon sa iyong kapalaran, sa lalong madaling panahon nakatakda nang dumating sa buhay mo ang isang babaing isinilang sa zodiac sign na Virgo na may birth date na 20. Ito ay magaganap sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Mayo, hanggang sa tuloy-tuloy nang mabuo ang isang masaya at pang habambuhay na relasyon na sa taong 2017 sa edad mong 37 pataas, at ang relasyong ito ay hahantong na rin sa isang masaya at pang habambuhay na pagpapamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.