Bianca Manalo sa kasalang John-Isabel: Wow! Sa wakas natuloy na!

bianca manalo
Ang seksi-seksi ngayon ng former beauty queen-actress na si Bianca Manalo. In fairness, mas lalo pang gumanda si Bianca nang makita namin uli sa pocket presscon ng bagong serye ng ABS-CBN, ang On The Wings Of Love starring James Reid and Nadine Lustre.

Matagal-tagal ding hindi napanood sa mga teleserye ng ABS ang aktres kaya super excited na siya sa bago niyang proyekto under Dreamscape Entertainment.

Sey ni Bianca, medyo light lang ang karakter niya sa On The Wings Of Love kumpara sa huling project niya kung saan gumanap siyang kontrabida.

Natanong si Bianca kung ano ang feeling niya ngayong malapit nang ikasal ang ex boyfriend niyang si John Prats, tugon ng aktres, “Masaya ako, finally, para sa kanya.

E, kasi, alam ko naman na siya yung tipo ng lalaki na gusto talagang magpakasal one day. Para yatang napag-usapan din ‘yan, noong kami, napag-usapan din ‘yan. Hindi natuloy, so nag-break kami.”

“Nasaktan talaga ako noon. We had so many plans, what happened? Tapos noong nalaman ko na may iba na siyang girlfriend at nag-propose siya, wow, finally, natuloy na,” aniya pa.

Paano kung bigla silang magkita ni John, ano’ng gagawin niya? “Hindi ko alam… siguro ngingiti ako!” Tingin ba niya, si John ang unang lalapit sa kanya? “I don’t think na gagawin niya yun, hindi naman niya kinakausap yung mga ex niya.”

Read more...