Medyo nanibago kami sa hitsura ni Richard Yap when we met him during his Thanksgiving party for the entertainment press.
Kasi naman, bukod sa merong bagong hairdo si Sir Chief ay nagpatubo rin siya ng bigote at konting balbas.
“Wala naman. Well, nagpabago lang ako ng hairstyle kasi more than two years na ‘yung hairstyle ko. So, sabi ko sa hairstylist ko baguhin mo naman ang hairstyle ko,” paliwanag ni Richard sa kanyang new look.
“Wala lang. Sinubukan ko lang para mag-ibang look lang,” dagdag pa niya. Ito ba’y in preparation for his new soap with Judy Ann Santos? “Wala pa naman, hindi pa sinasabi sa akin kung ano ang dapat na hitsura ko,” say niya.
“Hindi naman siya siguro ganoon kalayo. Hindi siya eksaktong pareho ni Sir Chief,” paliwanag niya about his role sa bago niyang soap.
Two movies and one teleserye ang nakatakdang gawin ni Richard this year which will surely render him very busy.