Kyla matagal nang pangarap magbida sa MMK

kyla
NGAYONG Linggo nga ay lalabas na sa ASAP ang R&B Princess (or Queen na?) na si Kyla, ang latest recruit ng Cornerstone Talent management na humahawak sa career ng mga kilalang artists sa recording, stage at live performances.

“Actually, wala po akong contract sa Cornerstone. Tiwala at pagmamahal lang,” sey ni Kyla na 15 years ding namalagi sa GMA 7 at nitong taon nga lang nag-decide na lumipat ng management and hopefully daw ay mapabilang nga sa ASAP.

“Pero sa totoo lang po, bukod sa pagkanta, gusto ko talagang lumabas sa MMK. Grabe, pero since noong mga time na natuto ako sa buhay at lagi ko siyang pinapanood, nangarap talaga akong sana one day ay makalabas ako sa MMK.

Lalo ngayon na marami na akong paghuhugutan,” seryosong dagdag pa ni Kyla. Nominated si Kyla sa 2015 MYX Music Awards para sa kategoryang Favorite Female Artist kung saan makakalaban niya sina Toni Gonzaga, Julie Ann San Jose, Yeng Constantino at Sarah Geronimo.

Dream din daw ni Kyla na makasama sa isang production number sa ASAP si Sarah.

Read more...