Naghahanap ng nobya? | Bandera

Naghahanap ng nobya?

Joseph Greenfield - February 22, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay James ng Poblacion, Norte, Don Carlos, Bukidnon
Dear Sir Greenfield,
Marahil ay masyado akong naabala sa pagta-trabaho bilang pampublikong guro sa aming bayan, at sa pag-aasikaso sa aming pamilya, ako kasi ang panganay, kaya umabot ako ng 35 ng hindi man lamang nagkaka-nobya. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung sa edad ko bang ito kahit 35 na ako sa darating na Marso7, may posibilidad pa kayang ako ay magkaroon ng girlfriend. Kung magkaka-girlfriend ako siya na kaya ang mapapangasawa ko at kailan naman ito magaganap?
Umaasa,
James ng Bukidnon
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Buti na lang may kaisa-isang malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) namataan sa
iyong palad. Ito ay malinaw na tanda na hindi ka dapat mainip, dahil sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, walang duda magkakanobya, makapag-aasawa, magkakaroon ng sariling pamilya at habang buhay na liligaya.
Cartomancy:
Isang babaing mabait na may kayumanggi ang kulay ng balat na isa ring professional na tulad mo ang nakatakdang dumating sa taon ding ito ng 2015, ayon sa barahang Queen of Clubs. Habang ang barahang Six of Clubs at Five of Hearts ang nagsasabing sa buwan ng Mayo sa taon ding ito ng 2015 makikilala mo na siya.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending