AKO po si Anne Joy Santos ng San Roque, Navotas City.
May dalawang taon na rin akong naghuhulog sa SSS sa pamama-gitan ng voluntary contribution.
Nabalitaan ko po ang tungkol sa provident fund ng SSS o PESO fund ng SSS.
Pwede po ba akong mapabilang dito at ano ang mga benefits nito?
Anne Joy Santos
ng Navotas City
REPLY: Para sa iyong katanungan Ms. Santos, ang SSS Provident Fund ay isang uri ng investment bilang bahagi ng SSS benefits para sa lahat ng miyembro.
Makatitiyak na mas malaki ang interest nito kumpara sa mga bangko gaya ng tax- free earnings and increased retirement benefits; contributions placed in sovereign guaranteed investments at Guaranteed earnings.
Ito ay bukas sa lahat ng miyembro na 55 years old pababa, may anim na buwan na sunod-sunod na hulog sa SSS sa loob ng 12 months bago ang enrolment gayundin hindi pa nakapag-claim sa ilalim ng regular SSS program.
Ang mga kwalipikadong miyembro ay maaaring maghulog ng mula P1,000 hanggang P100,000 kada taon.
Sa darating na Marso 2015 ang pormal na pagsisimula ng SSS P.E.S.O fund ng SSS.
Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer,
Media Affairs
Department, SSS
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.