Kung meron mang isang bagay na nagsisilbing tulay at daan para mas lalong maging close sina Coco at Julia, yan ay walang iba kundi ang pagiging malapit nila sa kanilang lola.
“Marami kasi kaming napag-uusapan tungkol sa mga lola namin. Nagku-compare kami ng notes, mga aral sa buhay, mga lessons na talagang since mga bata kami ay mga lola namin ang nagturo sa amin,” saad ni Coco.
Mabilis na “oo” naman ang sagot ni Julia na nagpahayag na, “Pareho po kasi kaming hardworking. Madisiplina sa oras, mabusisi sa mga detalye at gaya ng aral ng mga lola namin, dapat mas cautious kami sa oras ng ibang tao, yun bang lagi naming iisipin na kami itong nang-aabala at humihingi ng pabor sa iba kaya dapat on time kami sa work, medyo sensitive at sensible sa need nila.”
Kinumpirma nilang pareho silang single ngayon, pero open sila sakaling mag-level up pa ang kanilang friendship. Ani Coco,
“Focus po talaga kami sa work, kaya close-close friends lang muna.”
“Mahirap po kasing haluan talaga ng ganu’ng mga bagay ang trabaho. It will come kung talagang may chance. Masaya na kami as a love team na may respeto at pagpapahalaga sa isa’t isa,” hirit naman ni Julia.