Noong makapanayam namin ang aming friend na si Tsong Joey Marquez sa set ng teleseryeng Forevermore sa (La Presa), Tubud, Benguet, inamin nitong tutol siya noong una sa plano ng anak na si Wynwyn na sumali sa beauty contest.
Kaya nang malaman niyang nag-train ito at nagpa-screen at napasama bilang opisyal na kandidata ng 2015 Binibining Pilipinas ay sobra siyang kinabahan.
“Hindi ko ma-imagine na rarampa siya sa stage at makikita ng maraming tao, pero desisyon niya yun at nakasuporta lang ako as a father,” tsika ni Joey sa amin na aminadong sa puntong ito ng kanyang karir at buhay ay super niyang nae-enjoy ang pagiging tatay on and off cameras.
“Ganu’n yata talaga ang buhay. Umiikot nang maganda ayon sa gusto mong tahaking ganda. Sa dami ng mga anak ko, lahat sila ay binarkada at ginawa kong kaibigan, but still yung koneksyon mo sa kanila bilang ama sa ka nila, iba, eh. Totoo pala yung kasabihan na kahit buhay mo ay kaya mong ibigay para sa anak mo,” dagdag pa ng Best Supporting Actor winner sa nakaraang 2014 MMFF.
And now that he has a daughter who wishes to establish herself as an achiever, “Siyempre wala akong magagawa kundi suportahan siya. Sino ba namang ama ang magsasabing hindi maganda ang anak niya? May tiyahin naman siyang beauty queen (Melanie Marquez) at nanay naman niya si Alma Moreno, so kung ganda at ganda din lang, mayroon naman ang anak ko.
“At dahil naniniwala akong napag-aral namin siya nang maayos at natuto rin ng values mula sa amin, confident naman akong makikita yun sa kanya. Hindi ko lang talaga kaya yung mapanood siyang rumarampa at sumasagot ng mga tanong bilang isang beauty queen. Iba ang kontes na ganyan, eh,” ani Tsong.
Well, Wynwyn indeed is among the most favored candidates to take home an international crown. Even her auntie Melanie has high hopes for her niece as she claimed, “She has everything that a beauty queen must have. Hindi dahil sa pamangkin ko siya ha, pero sa dami ko na ring na-experience, confident din akong may mararating ang pamangkin ko.”
When asked kung ano ang dapat na mapuntang title kay Wynwyn, she blurted out, “Miss Philippines-Universe!”