Lagot ka Matteo: Piolo handa nang makahalikan si Sarah G.

PIOLO PASCUAL, SARAH GERONIMO AT MATTEO GUIDICELLI

PIOLO PASCUAL, SARAH GERONIMO AT MATTEO GUIDICELLI

Kung hindi pa rin makapagdesisyon si Sarah Geronimo kung papayag nang magpahalik sa susunod niyang pelikula, ang magiging leading man niyang si Piolo Pascual ay payag na payag daw sa kissing scene.

Inaasahang ngayong taon din ipalalabas ang gagawing movie nina Sarah at Piolo under Star Cinema and Viva Films. Nilinaw ni PJ na hindi naman mala-May-December affair ang tema ng pelikula dahil 12 years lang ang tanda niya kay Sarah – 38 si Piolo haang 26 naman si Sarah.

Nang matanong si Piolo tungkol sa posibleng kissing scene nila ng Pop Princess, “Si Sarah na lang tanungin mo. Ako, okay lang. Okay lang naman sa magulang ko, okay lang sa anak ko.”

Kakausapin ba niya si Matteo Guidicelli (BF ni Sarah) sakaling magkaroon nga sila ng halikan ng Pop Princess? “Labas na ako du’n. Matteo and I are friends. I guess we’re at an age na hindi naman kailangang magpaalam for anything.”

Read more...