MARAMING grupo ang gustong matanggal or magbitiw sa tungkulin si Pangulong Noy dahil sa pagkakapatay sa 44 commandos sa Mamasapano, Maguindanao.
Ang sektor na ito, na kinabibilangan ng ilang obispo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), ay nagsasabing hindi maganda ang pamamalakad ni
PNoy sa gobyerno.
Pero ang pinakamala-king dagok kay PNoy ay kasama ang pagsali ng kanyang tiyuhin na si da-ting Tarlac Congressman Peping Cojuangco sa mga grupo na gustong magpatalsik sa kanya.
Kung si Peping Cojuangco ay naging si da-ting Sen. Butch Aquino, na tiyuhin ni PNoy sa panig ng kanyang ama, baka kapani-paniwala ang kanyang layunin.
Si Butch Aquino ay hindi nang-abuso ng kapangyarihan noong panahon ng administrasyon ni Pangulong Cory.
Si Peping ay nagma-labis sa kanyang kinalalagyan noon.
Siya ang nasa likod ng hindi magandang pamamalakad sa gobyerno ng kapatid niyang si Cory.
May tampo si Peping kay P-Noy dahil hindi ito nabigyan ng puwesto sa administrasyon ng kanyang pamangkin.
Ayaw ni PNoy na maulit ang pagkakamali ng kanyang ina dahil kay Peping.
Hindi ko tinuturo si Peping Cojuangco, pero noong panahon ni admi-nistrasyon ni Pangulong Cory may isang negosyanteng Tsinoy na naging palagiang biktima ng mga kamag-anak ni Cory.
Ang yumaong columnist na si Louie Beltran ang nagbansag sa kanila na “Kamaganak Inc.”
Hindi makaangal ang Tsinoy tycoon pero umiyak daw ito dahil sa nasaktan na siya sa pangingikil ng Kamag-anak Inc.
Ang Tsinoy ay pinaghihinalaang crony ng pinatalsik na diktador na si Ferdinand Marcos.
Isang grupo ng Kamaganak Inc. ang pumupunta sa Tsinoy upang siya ay gatasan sa mga araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes (Parang schedule ng subjects ng isang college student—RT)
Ibang grupo naman ng Kamaganak Inc. ang pumupunta sa Tsinoy ng Martes, Huwebes at Sabado.
Ang gawaing yan ay inuulit ng Kamaganak Inc. sa ibang mga dating crony ni Marcos.
Ang panakot ng Kamaganak Inc. ay mase-sequester ang kanilang mga kumpanya ng na noon ay notorious na Presidential Commission on Good Government (PCGG) na kontrolado ng Kamag-anak Inc.
Ang mga pinaggagawa ng Kamaganak Inc. ay hindi lingid sa kaalaman ni P-Noy na noon ay isang young and carefree individual.
Si Mark Soque, isang suspect sa walong robberies, apat na kaso ng panghahalay at pagpatay ng walang awa sa isang Koreana na customer ng isang restaurant na nilooban niya, ay pinatay ng pulis habang dinadala ito sa opisina ng Quezon City Prosecutor’s Office upang sampahan ng mga kaso.
Sinabi ng pulisya na inagaw ni Soque ang baril ng isa sa kanyang escorts, isang policewoman, at sila’y nagpambuno na naging sanhi ng kanyang pagkabaril.
Kung malikot ang
iyong pag-iisip, hindi totoong nang-agaw ng baril si Soque; siya ay sinalvage.
Pero hindi naman umaalma ang mamamayan dahil napakasamang tao ni Soque.
Tama lang na siya’y nasalvage upang hindi na siya maging salot sa lipunan.