Camille naging emosyonal sa pagbati kay Angelica

camille prats

NAGING mainit na topic sa social media ang litratong ipinost ni Camille Prats sa kanyang Instagram account kung saan kasama niya si Angelica Panganiban.

Pinagtabi ni Camille ang poster ng ginawa nilang pelikula noon ni Angelica (1997) na “Ang Pulubi at ang Prinsesa” at ang latest picture nila ng kaibigan.
Kasabay nito, binati ni Camille ang girlfriend ni John Lloyd Cruz sa success ng pelikula nitong “That Thing Called Tadhana” sa takilya kung saan nanalo rin si Angelica ng dalawang best actress trophy.
Makikita sa Instagram photo ni Camille ang pagpo-pose nila uli ni Angelica na katulad ng nasa poster ng “Ang Pulubi at ang Prinsesa.” Agad itong nakakuha ng mahigit 9,000 “likes” at mahigit 200 comments mula sa netizens na nagsabing sana raw ay muli silang magkasama sa isang proyekto.
Ayon sa mensahe ni Camille, “Matagal ko nang gustong i-post to pero hindi ako makahanap ng timing. I would like to congratulate you for the success of your movie.
Isa ka sa mga artista sa industriya na binibigyan ng halaga ang trabaho. Kaya naman sobra sobra din ang balik sayo.”
Dagdag pa niya, “Congrats sis!!
Alam ko darating ang araw na magkakatrabaho tayo ulit. Hihintayin ko ang pagkakataon na yun. Love you sis!!!”
Itinuturing din ni Angelica ang kapatid ni Camille na si John Prats bilang isa sa mga bestfriend niyang lalaki sa showbiz.
Halos magkasabay na lumaki sa mundo ng showbiz sina Camille at Angelica at kahit na lumipat na sa GMA ag una ay nananatili pa rin silang magkaibigan.

Read more...