Hindi magtatagal at susunod na rin among celebrity couples na nagpapakasal ay ang magkasintahang Roxy Barcelo at Will Devaughn. Inseparable na kasi ang couple na ‘to.
Ilang beses na naming nakita si Roxy sa mga showbiz functions na kasama si Will. At ang pinaka-recent ay sa grand finals ng Bilbiling Mandaluyong 2015 na ginanap sa malaking gym sa munisipyo ng Mandaluyong.
Kabilang sina Roxy and Will sa panel of judges ng Bilbiling Mandaluyong 2015.Pero sabi ni Roxy, medyo bago lang ang relasyon nila and they still don’t want to rush things. Tingin namin, hindi pa ready si Roxy na mag-settle down.
Mukhang marami pa siyang gustong gawin. While si Will naman, e, mukhang hindi pa rin handa to have a family of his own.
Samantala, taun-taon ay inaabangan ang bigating performances ng mga kandidata sa Bilbiling Mandaluyong sa talent portion.
At gaya ng inaasahan, dumagundong muli ang Mandaluyong gym sa pagsasayaw at pagkanta ng mga contestant.
Nawindang talaga kami nu’ng magkaroon ng wardrobe malfunction ang ilan sa mga kalahok, as in lumabas talaga ang dibdib nila.
Yes Vin at pahiram Gov. Vilma – not one but twice na may lumabas na boobs at hindi lang isa kundi dalawang contestants during the talent portion.
Anyway, tinanghal na Miss Bilbiling Mandaluyong 2015 si Honey Ibañez ng Bgy. Highway Hills. Habang winner din sina May Ann Gonzales, 1st runner-up; Attalia Corina Lopez, 2nd runner-up; Ma. Anastasia Pamela Seva, 3rd runner-up; at si Joanna Rizza Bien, 4th runner-up.
Aside from the cash prize, ang mga nanalo ay mag-a-undergo sa isang fitness program for a year. At kung sino ang maka-achieve ng ideal weight ay pagkakalooban muli ng cash prize.
Ang Bilbiling Mandaluyong ay isa sa highlights ng 70th Liberation Day and 21st Cityhood Anniversary of Mandaluyong through the Kababaihan Kakaiba ng Mandaluyong led by City First Lady Menchie Abalos.