IYAK daw nang iyak si Heart Evangelista sa mismong oras na ikinakasal siya dahil hindi nga dumating ang parents niya most especially her dad na sobrang mahal niya.
Balita ko ay lumipad ang mom ni Heart for the States to get rid of the news of her daughter’s wedding to Sen. Chiz Escudero na ginanap sa posh Balesin Resort.
Pero nandoon naman daw ang sisters ni Heart sa wedding who surprised her with a letter from her dad that says: “Alam mo, anak, gustong-gusto kita ihatid sa altar.
Sino ba naman ang ama ang ayaw makita ang anak sa pinakaimportanteng araw ng buhay niya? “A lot of things happened that hindered us from going.
This is my promise: When the day comes that I see both of you truly happy, when I see Chiz loving you the way you deserve to be loved, I will come knocking on your door.”
Aside from this, naging emosyonal din si Chiz nang magsalita ito tungkol sa magulang ni Heart during the reception, anang senador, “Sorry, wala sa programa ‘to. Sabi ng daddy ni Heart, mahalagang tanggapin ko siya.
Oo, gagawin ko, ginagawa ko yun. Hindi ko lang siya (Mr. Ongpauco)] puwedeng tawaging ‘Daddy’ o ‘Tatay’ hangga’t hindi niya sinasabi.”
“Pero nais kong sabihin, mahal at tinatanggap ko sila dahil bahagi sila ni Heart, hindi kailanman puwede alisin yun. Ano man ang nangyari o ano man ang mangyari, bahagi siya palagi,” dagdag ni Chiz.
So sweet, di ba? Kaya huwag na nating uriratin pa ang details sa tampuhan ng mag-anak – ang mahalaga’y in-acknowledge naman ng daddy niya na ikakasal na siya.
Ngayon ay Mrs. Escudero na si Heart and looks like nagmamahalan naman talaga sila ni Chiz kaya malaki pa rin ang chance na magkaayos sila ng mga magulang niya.
Hindi mo naman masisisi sina Mr. and Mrs. Ongpauco kung ganoon ang trato nila kay Chiz dahil super-love nila ang kanilang daughter at ayaw nilang masaktan ang puso ng anak nila pagdating ng araw.
Baka may mga nabalitaan sila about Chiz na hindi kanais-nais kaya natatakot silang mabiktima ang anak nila maling pag-ibig.
Pero feeling naman namin ay aalagaan ni Sen. Chiz si Heart and for sure ay lalong titibay ang pagmamahalan ng dalawang ito every minute.
Huwag na lang muna nating madaliin ang pagbabati ng mag-anak na ito. Mabuti nga sila iyon lang ang problema nila samantalang tayo ay gutom ang mga sikmura natin.
Iyan naman ang problema ng mayayaman eh – yung tampuhan and all. Kaya hayaan na – malayo sa bituka, di ba?