NAGBABALA si House Majority Floor Leader Neptali Gonzales II na kapag hindi ipinasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) bill, magkakagulo muli sa Mindanao.
Gaya ni Pangulong Noy, gusto ni Congressman Gonzales na maipasa ang BBL sa ano mang paraan, kahit na huwag nang bigyan ng hustisya ang 44 police commandos na kinatay ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na may truce sa gobyerno.
Pero kahit na ipinasa ang BBL, paano nakasisiguro ang gobyerno na titigil ang gera sa Mindanao samantalang ang isang rival group, ang Moro National Liberation Front (MNLF), ay hindi kasama sa
usapang kapayapaan?
***
Kailangang nakikipag-usap ang gobyerno sa mga Moro from a position of strength, not from a position of defeat.
Kapag ipinagpatuloy ng gobyerno ang pakikipag-usap sa MILF na lumabag ng ceasefire, aakalain nito na mahina ang gobyerno.
Ginagalang ng mga Moro ang kaaway na nakakapantay ng kanilang karahasan.
Di gaya ng mga Kastila na kanilang minamaliit, iginalang ng mga Moro ang mga Amerikanong dumating sa bansa matapos ang mga Kastila dahil pinapantayan ng mga ito ang mga karahasan ng mga Moro.
***Binigyan daw ng US ang Special Action Force (SAF) ng pondo at intelligence information u-pang matiklo ang Malaysian terrorist na si Zulfikli bin Hir alyas Marwan.
Eh, ano namang masama kung sinuportahan ng America ang paghuli o pagpatay kay Marwan?
Di ba ang terorismo ay wala nang border o boundary dahil ito’y laganap na sa mundo?
Si Marwan ay international terrorist na nagpasabog ng hotel sa Bali ilang taon na ang nakararaan na ikinasawi ng maraming foreign tourists at nagpasabog din ng ilang lugar sa bansa.
Ang $6-million reward para sa ulo ni Marwan was put up by the US government.
Tinutulungan tayo ng America na labanan ang terorismo sa pamamagitan ng kanilang intelligence gathering expertise.
Kung walang reward na $6 million, sa palagay kaya ninyo ay matetepok si Marwan? Ang malaking halaga ang naging instrumento ng pagtukoy sa kinaroroonan ni Marwan.
Si Marwan at ang kanyang Pinoy sidekick na si Basit Usman ay itinago ng MILF sa kanilang teritoryo at ito’y labag sa ceasefire agreement.
***Malakas ang ingay na magkaka-coup laban kay Pangulong Noy dahil sa pagmasaker sa 44 SAF commandos sa Mamasapano, Maguindanao at ang hindi ma-gandang paghawak niya sa problema matapos ang insidente.
Sa aking karanasan bilang columnist, kapag maingay na magkakaroon ng coup, walang coup na mangyayari.
Pero dapat hindi rin balewalain ni PNoy ang mga balita na magkaka-coup dahil meron talagang mga sektor na disganado sa kanyang pamamalakad ng gobyerno.
Kapag pinabayaan niya ang alingasngas, baka mabulaga na lang siya at meron nang coup.
Mr. President, huwag kang tatanga-tanga.
***
Ikinasal sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista na wala ang mga magulang ng tanyag na aktres.Sina Reynaldo at Cecilia Ongpauco, mga magulang ni Heart, ay di dumalo sa kasal ng anak. Hindi nila inihatid sa altar ang anak.
Ang mali diyan ay si Chiz. Masyado siyang mapagmalaki.
Kahit na ayaw ng mga magulang ni Heart si Chiz dapat ay nagpakumbaba ang senador at naglumuhod kina Mr. ang Mrs. Ongpauco para dumalo sa kasal.
Sino namang mga magulang ang aayawan ang pakiusap ng isang masugid na manliligaw ng kanilang anak na babae?
Walang coup dahil maingay
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...