Makakatapos ba ng kolehiyo?

Sulat mula kay Sarah ng Arteche Blvd., 

Catbalogan, Samar
Dear Sir Greenfield,

Nag-aaral ako sa ngayon second year sa kursong Computer Science. Ang problema nahihirapan ako sa mga subject ko at isa pa mahirap lang kami kaya lagi akong kinakapos sa allowance. At noong nakaraang sem may bagsak akong subject at ito ay sa subject naming Math. Naisipan kong kumunsulta sa inyo upang itanong kung sa ganitong buhay ko matatapos ba ako ng pag-aaral at kapag nakatapos na ako magkakaron kaya ako ng magandang trabaho?December 3, 1996 ang birthday ko.
Umaasa,
Sarah ng Samar
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Nag-iba ng linya ang Fate Line or Career Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, madali lang ang solusyon sa iyong problema kung nahihirapan ka sa kurso mo sa kasalukuyan na Computer Science mas mainam pang mag-shift ka sa ibang course na kokonti lang ang subject na Math, sa ganyang paraan, hindi ka na masyadong mahihirapan sa iyong pag-aaral. Ang isa sa puwede mong lipatang kurso ang ay Education na bagay na bagay sa zodiac sign mong Sagittarius.

Cartomancy:

Queen of Clubs, Eight of Diamonds at Ten of Harts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa sandaling nag-iba o lumipat ka ng kurso, madadalian ka ng mag-aral hanggang sa tuloy-tuloy ng makatapos ng pag-aaral.

Itutuloy….

Read more...