Hirit kay P-Noy: Tantanan na ang pag-aanak sa mga kasal!

noynoy aquino
Dapat lang namang hindi na pumunta ang Pangulong Noynoy Aquino sa kasal kahapon nina Senador Chiz Escudero at Heart Evangelista sa isla ng Balesin.

Sariwa pa ang sugat ng mga naulila ng SAF-44, nagnanaknak pa nga kung tutuusin, dapat lang namang bigyan ng respeto ni P-Noy ang mga naulila ng Valiant 44 na hanggang ngayo’y tumatangis at nangangapa pa sa dilim tungkol sa pagkasawi ng kanilang mga mahal sa buhay.

Tama na ang para sa kanila’y kawalan ng pakialam ng pangulo nu’ng dumating sa Maynila mula sa Maguindanao ang mga labi ng mga nasawing sundalo, isa pang ganu’n ay tiyak na mas mag-aalala pa ang ating mga kababayan, lalabas lang na kaya pala niyang puntahan ang mga granatsa ng buhay kesa sa salubungin ang mga bangkay ng kapulisan na pumagitna sa matinding laban para sa ating mahal na bayan.

Tamang desisyon ang hindi pagdalo sa kasalan ni P-Noy, tama na muna ang pag-aanak ng kasal at pagpunta-punta sa imbitasyon ng mga kapitalista, hindi pa humuhupa ang ngitngit ng bayan tungkol sa kawalan niya ng malasakit at pakialam.

Iisipin na naman ng mga tunay na boss ni P-Noy na napakatahimik niya sa imbestigasyon, pero nakikipagsaya siya sa kasalang Chiz-Heart, tantanan na muna ang mga ganu’ng pakikipagsosyalan.

Read more...