Heart solong naglakad sa kasal nila ni Chiz

chiz escudero
Tulad ng inaasahan, naglakad  mag-isa si Heart Evangelista sa kasal nila ni Sen. Chiz Escudero sa Balesin Island kahapon.
Hanggang sa huling sandali ay maraming kaanak at kaibigan ni Heart ang umasa na sosorpresahin ang bride ng kanyang parents sa mismong araw ng kanyang kasal, pero hindi ito nangyari.

Ilang beses nang sinabi ni Heart na handa siyang maglakad nang mag-isa sa wedding nila ni Chiz pero mas magiging maligaya siya kung kasama niya ang kanyang parents.

Sa huling interview ng GMA kay Heart, sinabi nitong,  “Hindi na ako siguro maghohope, kasi parang I need to be grateful kung ano na ang meron ako, kung sino nang nandito.

This day is the day I give myself and be selfless for the man I’m going to be with which is Chiz.” Ito naman ang naging message niya sa kanyang magulang, “To my mom and to my dad, thank you for everything you’ve done for me.

Thank you sa pagmamahal na binigay n’yo sa akin (for the love that you gave me), which made the person I am today… to love the way I love because of you guys.

“And I know one day you will see how happy I am and I hope that will make the both of you happy too. And no matter what, I will love you and you will always be a big part of my heart so yeah, love you, Mom and Dad,” chika pa ng Kapuso actress.

Kulay puti ang nangingibabaw sa wedding venue, mula sa mga bulaklak tulad ng roses, tulips, orchids, at lilies. White din ang bridal bouquet, pati ang mga ginamit sa reception tulad ng baso, vase at table centerpieces.

Ayon sa ulat, gumamit ng 500 white wisteria, 100 pirasong crystal balls at climbing vines sa patio ng venue kung saan nag-exchange ng vows ang bagong kasal.

Ilan sa mga celebrities na kasama sa bridal entourage ay sina Solenn Heussaff, Carla Abellana, Lovi Poe, at Alessandra de Rossi. Nandu’n din sina Jackielou Blanco, Sen. Grace Poe, Jolina Magdangal and husband Mark Escueta, Kyla and Jaya.

Bago naman ang ginanap na kasal, sinabi ni Heart na, “More than the fashion and more than everything about getting married, you always have to think that it’s just one day.

So be as practical as possible because you have the rest of your life to prepare for. “You have to really keep that in mind. Kasi sometimes, you get so excited. Like me, I’m so excited.

Yun ang mas importante—preparing for your life after that day,” sabi pa ng aktres kasabay ng pagkumpirma na excited na rin siyang magka-baby.

Wala man ang mga parents ni Heart na sina Rey and Cecile Ongpauco, nakasama naman niya ang kanyang mga kapatid na sina Mich at Camille. Nag-compose si Heart ng kanyang sariling wedding vows na binasa niya sa harap ng groom.

Naging impromptu naman ang pagbibigay ng mensahe ng senador sa kanyang bride. Pagkatapos ng honeymoon, magkakaroon ng isang engrandeng wedding reception sina Chiz at Heart sa Feb. 18 sa Blue Leaf Filipinas, Parañaque.

Read more...