James Reid sumumpa kay Nadine: Walang nilalanding ibang babae

james reid
Sa kabila ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanilang loveteam, nananatili pa ring positibo ang pananaw nina James Reid at Nadine Lustre sa buhay.

E, bakit hindi, kahit na may mga kanegahang isyu sa dalawa ay tuluy-tuloy pa rin ang pagdating ng swerte sa kanilang mga career.

Isa na nga riyan ang kauna-unahan nilang teleserye sa ABS-CBN na On The Wings Of Love na malapit nang mapanood sa Primetime Bida na ididirek nina Avel Sunpongco at Don Cuaresma under Dreamscape Entertainment.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sina Nadine at James na isang napakalaking proyekto agad ang ibinigay sa kanila ng Dreamscape.

Nu’ng nakaraang Biyernes, ipinakilala ang buong cast ng On The Wings Of Love, kabilang na sina Cherry Pie Picache, Joel Torre, Bianca Manalo, Arjo Atayde at marami pang iba.

Sabi nga ni Nadine, “With everything that’s happening until now, parang kulang pa ako sa kurot, parang hindi pa nagsi-sink in sa akin ang lahat ng nangyayari. But then, I’m just really thankful kasi ang bilis ng nangyayari.”

Ayon naman kay James, “It’s hard to digest and to actually realize that we have a full teleserye to ourselves. So, we feel a lot of pressure, but we’re so excited.”

Tungkol naman sa tunay na estado ng kanilang relasyon, inamin ng magka-loveteam na hindi pa sila magdyowa, pero mas lumalim pa ang pagkakaibigan nila.

Dinenay din ni James ang tsismis na kung kani-kaninong babae siya nakikipag-date kaya nagagalit ang fans nila ni Nadine.
Esplika ng binata, “Well, first of all, they have these rumors and, I mean, we try not to let them get to us.

Sometimes it does, but I guess we just do our best.”Tinanong sila ng press kung pinag-uusapan ba nila pag nai-involve si James sa ibang babae? “Yeah, well, she’s my closest girl friend,” sey James tungkol kay Nadine.

Chika naman ni Nadine, “Since we’re a team nga, dapat solid. Solid kami. But then, I’m very confident na kaya niyang lagpasan yung mga challenges na dumarating sa kanya. Kaya niya naman.”

At alam daw ni Nadine ang mga nangyayari kay James dahil nagkukuwento naman ang binata sa kanya. Dito na nagdenay si James tungkol sa kanyang lovelife, “I’m not dating anyone. It’s not true.”

At payo naman ni Nadine sa kanilang mga fans na apektado sa mga tsismis sa kanila, “Relax lang kayo, okay lang kami. Minsan, when they get affected nga, nadi-disappoint sila.

Some of them are thinking na baka nahe-hurt daw ako.” Hirit pa ng dalaga, “Pero we’re okay. Solid tayo. Relax lang kayo diyan, kaya natin ‘to.”

Read more...