Horoscope, February 16, 2015 | Bandera

Horoscope, February 16, 2015

Madam Sophia - February 16, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa pag-ibig maghanda sa kamangha-manghang sandali, may sopresang romansang darating. Sa salapi, may mang-uuto na naman sayo, kilalaning mabuti ang pauutangin, upang hindi ka masuba. Mapalad ang 1, 13, 18, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shanti-Om.” Green at violet ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—May mga gastusing hindi inaasahan. Hindi ito ang tamang panahon upang maglabas ng malaking halaga ng salapi. Samantala sa pag-ibig, ito naman ang tamang panahon upang pag-ukulan ng dagdag na oras ang minamahal. Mapalad ang 3, 18, 21, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Karan-Om.” Pink at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Bagong kakilala ang darating na magkakaroon ng malaking epekto sa iyong buhay. May isang nakakikilig na sitwasyong mangyayari. Sa pinansyal, mag-ipon ng pera para sa biglaan at hindi inaasahang pakikipag-date. Mapalad ang 7, 9, 30, 34, 40, at 48. Mahiwaga mong mantra: ““Aum-Haram-Aum-Harim.” Red at green ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Iwasan ang pagkukunwari upang mas madali makuha ang tiwala ng mga kliyente. Sa pag-ibig kung ayaw mong dayain ka ng iyong kasuyo, wag mo rin siyang lokohin. Mapalad ang 5, 18, 26, 32, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Om-Ratha.” Violet a white ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Suwerte ang apple green! Sa kulay na apple green para sa dingding ng inyong bahay, gagaang ang pasok ng pera. Sa pag-ibig sa pagamit ng apple green masayang relasyon ang darating. Mapalad ang 1, 7, 19, 35, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Babanam-Kebalam.” Bukod sa apple green buenas din ang yellow.

Leo – (July 23 – August 22)—Sa pinansyal mas marami kang kikitain kung hindi ka magpapa-impluwensiya sa iba. Sa pag-ibig hanggat pinapatulan mo ang intriga, hindi mapapanatag ang inyong relasyon. Mapalad ang 1, 10, 19, 31, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhanah-Om-Bhuvah.” Yellow at orange ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Bagong kakilala ang darating na magkakaroon ng malaking epekto sa yong buhay. Sa pinansyal bago tuluyang mahulog ang loob, isiping mabuti kung paano siya mapagkakaperahan. Sa pag-ibig mag-ingat sa immoral na relasyon. Mapalad ang 5, 9, 23, 32, 39, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Gray at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Ang inyong relasyon ay dadaan sa isang pagsubok na lagi namang nangyayari. Magpakatatag at pang hawakan mo lagi ang isang tapat at dalisay na pag-ibig. Sa pinansyal, kung hindi ka magtitipid talagang mabilis na mauubos ang pera. Mapalad ang 6, 15, 24, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Factum-Miraculum-Om.” Pink at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Wag matigas ang ulo upang hindi mapahamak. Panatiliin ang pagiging bukas ng isipan upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, wag ipilit ang iyong gusto na ikagagalit ng iyong kasuyo upang magtagal ang inyong relasyon. Mapalad ang 7, 11, 20, 38, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padma-Om-Purana.” Yellow at green ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Mag laan ng oras sa pagiisa malapit sa nature upang makalimutan ang iyong nakaraan. Sa pag-ibig sa pagpapanibagong simula hatid ng isang Leo magniningning ang iyong paligid. Sa pinansyal, may bagong pagkakakitaang darating. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Udatta-Savitra-Om.” Red at green ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa pag-ibig upang muling uminit ang relasyon ngayon palang iplano na ang summer vacation sa Palawan. Sa pinansyal, okey lang kung medyo magastos, at least nakapag relaks naman kayo ng iyong kasuyo. Mapalad ang 2, 16, 26, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yhoti-Om-Bhakti.” Beige at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Panatiliin ang pagtulong sa kapwa at sa mga nangangailangan. Sa ganyang paraan, pagpapalain ka ni Lord sa aspetong pang pinansyal at pag-ibig. Tandaang walang kapaguran ang pag-ibig sa kapwa. Mapalad ang 4, 13, 21, 30, 39, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Arjuna-Om”. Gray at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Iwasang magplano ng kung ano-ano upang wag masayang ang pera. Panatiliing simple lang ang iniisip. Sa pag-ibig, wag paki-alaman ang kasuyo magsasawa din yan sa mali niyang ginagawa. Mapalad ang 2, 20, 27, 30, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om.” Blue at white ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending