Sarah milyun-milyon ang kinikita sa mga Commercial

sarah geronimo

KINUMPIRMA ni Sarah Geronimo na tuloy na ang kauna-unahang pelikula na pagsasamahan nila ni Piolo Pascual mula sa Star Cinema. Noong huli naming nakausap si Piolo sinabi niya na up to that time ay ‘di pa siya binabalikan ng management  para sa movie project nila ng Popstar.

“Tuloy po. Uh, tuloy ‘yun with Piolo. Baka mag-start po kami after ng The Voice,” pahayag ni Sarah sa launching niya bilang bagong endorser ng SanSan cosmetics.

Bukod sa movie with Piolo, may balita rin na gagawa ng pelikula si Sarah kasama ang Korean actor na si Lee Min Ho, at sana nga raw ay matuloy ito, “Hindi pa po kami nag-uusap ni Boss Vic (del Rosario, her manager) about it.

Pero kung meron po, opo naman. Okey po sa akin. Bakit po hindi?” Tinanong naman namin ang handler ni Sarah from Viva kung pang-ilang endorsement na niya ang SanSan.

Say ng handler, hindi raw niya maalala kung ilan na  lahat.  So, you could just imagine kung ilang milyong piso na ang kinikita ni Sarah sa endorsements pa lang, huh! Baka nga sa mga kaedad niyang celebrities, siya na ang pinaka-rich!

Ayon naman sa SanSan cosmetics, ikapitong endorser na raw nila si Sarah which includes sina Kris Aquino, Kristine Hermosa, Maricar Reyes and Anne Curtis.

Right choice naman daw si Sarah to be their new endorser. Habang si Sarah mas gusto raw niyang i-highlight ang kanyang natural features. Mas feel niya ‘yung casual pero fresh look.

“Lagi akong naka-glamorous look on cam. Kaya pag break ko sa work, mas gusto ko talaga ang all-natural simple look kasi ‘yun talaga ako. Para sa akin, kapag you’re true to yourself, mas nagiging confident ka at yung confidence na ‘yun ang nakakapagpaganda sa iyo,” lahad  ni Sarah.

Proud rin si Sarah sa kanyang adbokasiya na dapat tangkilikin ng mga babae ang natural na kagandahan. Dagdag rin niya na ibinigay ng San San ng HBC ang umano’y best of both worlds – ang healthy, simple, beautiful look every day.

Read more...