NASA Pilipinas na naman pala ang Korean popstar at tinaguriang Pambansang Krung Krung ng Pilipinas na si Sandara Park. Dumating noong Biyernes ng gabi ang miyembro ng Korean girl group na 2NE1 para sa ilang special events ngayong Valentine season.
Sa kanyang Twitter account, nag-post ng mensahe si Dara para ipaalam sa kanyang Pinoy fans ang kanyang pagbabalik sa bansa, “Manila!!! I’m back!!! Salamat sa inyong lahat.”
Bukod dito, nag-post din si Sandara ng ilang picture na pinaniniwalaang mga regalo sa kanya ng ilang fans na sumalubong sa kanya sa airport. Pero tanong ng madlang pipol, wala bang dyowang Korean si Sandy at dito siya nag-celebrate ng Valentine’s day?
Nag-guest din si Sandara It’s Showtime kahapon at inaasahan ding dadalo siya ngayong araw sa malaking travel tour expo sa SMX Convention Center, Pasay City.
In fairness, talagang mahal na mahal pa rin ni Dara ang Pilipinas, hindi pa rin niya nakakalimutan ang bansang nagpasikat sa kanya noon matapos sumali sa Star Circle Quest ng ABS-CBN, ito’y sa kabilang nga ng kasikatan niya sa Korea.