Sulat mula kay Julianne ng Banate, Malungon, Sarangani Province
Problema:
1. May boyfriend ako sa ngayon at magto-two years na ang aming relasyon. Madalas na may nangyayari na sa amin, kaya sabi ko sa kanya, bago ako mabuntis ay magpakasal na kami. Hindi kasi siya gumagamit ng condom sa tuwing kami’y magtatalik, pero sabi nya hindi pa daw siya handa, kasi may pinag-aaral pa raw siyang mga kapatid. Iniisip ko baka alibi nya lang iyon, kaya naisipan kong sumulat sa inyo Sir Greenfield upang itanong kung kami na ba ang magkakatuluyan?
2. Natatakot kasi akong mapagsawaan nya lang ako pagnabuntis na ako ay iiwanan nya din ako. Ano sa palagay nyo siya na kaya ang makakatuluyan ko? December 14, 1989 ang birthday nya at April 8, 1990 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Julieanne ng
Sarangani Province
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) at Sagittarius naman ang boyfriend mo ay nagsasabing tugma at compatible kayo, dahil ang Aries at Sagittarius ay nagtataglay ng iisang element – ang elementong fire o apoy.
Numerology:
Bukod sa Astrology tunay ngang tugma at compatible din kayo ng boyfriend mo sa Numerology, kung saan ang birth date niyang 14 ay saktong tugma din sa birth date mong 8. Kapag ang “8 at 14” ay nagkatuluyan, tiyak na hindi lang magiging maligaya ang kanilang pagsasama habang buhay, kundi uunlad at yayaman pa sila habang patuloy na naguunawaan at nagmamahalan.
Lushcer Color Test:
Upang magtuloy-tuloy ang suwerte at mainit na pagmamahalan iminumungkahing lagi kayong gumamit ng kulay na pula, violet, pink, asul at lilac. Sa nasabing kulay lalong iigting at mananatili ang pagmamahalan habang buhay.
Huling payo at paalala:
Julieanne tunay ngang hindi tanggap ng Simbahan Katoliko at ng iba pang relihoyon sa ating bansa ang premarital sex, kahit na sinasabi ng iyong mga datos na kayo ang magkakatuluyan ng bopyfriend mo, dapat nyo parin itong iwasan, upang mapaghandaan nyo ang panahong kayo ay magpapakasal na, na nakatakdang mangyari sa taong 2016 sa edad mong 26 at 27 naman ang boyfriend mo. At upang hindi ka mabuntis ng wala sa panahon, laging tandaan ang saying na “True love waits!”