Sa wakas, nabuntis na rin ang dating Sexbomb dancer na si Jopay Paguia courtesy of her husband Joshua Zamora na isa ring dancer.
Sa kanyang official Instagram account, nag-post si Joshua ng isang photo collage kung saan makikita ang ultrasound image ng kanilang baby. Balitang naging emosyonal daw si Jopay nang makita ang kanyang anak.
Six weeks nang buntis ang ex-Sexbomb girl. Nag-post din ng litrato si Jopay sa IG habang nasa ospital, aniya, “This is it! Biggest answered prayer so far! Thank you to all the people who prayed for us.
Until now I can’t explain my emotions. My heart is jumping and rejoicing. Thank you, Lord.” Ikinasal noong June, 2014 sina Joshua at Jopay.
Pero bago ang kanilang wedding nagkahiwalay muna ng ilang buwan ang dalawa dahil hanggang sa magkabalikan at magdesisyong magpakasal na.