Si Liza Soberano ang tiyak na maiipit sa awayan ng magkapatid na Gretchen Barretto at Marjorie Barretto.
Si Liza kasi ang bet ni La Greta, something which infuriated Marjorie raw kasi nga perceived as karibal sa kasikatan ng anak niyang si Julia Barretto ang leading lady ni Enrique Gil.
Too bad na na-drag ang name ni Liza sa controversy ng kontrobersiyal na magkapatid. Walang kinalaman ang young actress pero siya ang nadamay sa namumuong war ng dalawang Barretto.
Ang chika, ginagamit lang daw ng Barretto sisters si Liza para mapag-usapan. Well, we felt na threatened talaga ang kampo ni Julia sa existence ni Liza. Si Liza kasi ay maamo ang mukha, genuinely sweet at sophisticated.
Si Julia, maaga pa lang ay nasangkot na sa kung anu-anong intriga, the latest of which was her away sa kanyang amang inisnab niya sa isang party.
Negang-nega si Julia nga-yon, samantalang si Liza naman ay lady of purity ang image. So, sino ang mas in sa dalawa?