Daniel napilitang umamin : Opo, baliw na baliw ako kay Kathryn!

kathryn bernardo
NAKAKALOKA itong si Daniel Padilla. Meron pala siyang tiyope side.

Imagine, isang simpleng tanong lang ay parang kinabog siya sa dibdib at hindi niya masagot nang diretso.When one reporter asked kung crazy siya kay Kathryn Bernardo na leading lady niya sa “Crazy Beautiful You” ay halatang kinabahan si Daniel.

“Nakakahiyang sumagot kasi ang daming tao. Nahihiya na naman ako!” say ni Daniel na ikinaloka ng movie press.
Daniel was fidgety in answering the question.

Ilang beses pa siyang kaila-ngang tanungin at ang say lang niya ay, “Nahihiya ako. Shy type kaya ako!” Siyempe ayaw paawat ng reporter kaya kinulit siya.

Apparently exasperated, napilitan na lang yatang sumagot si Daniel sa nasabing tanong. “Oo na, sige na! Opo, opo!” pasigaw niyang sagot na tinilian ng KathNiel fans na naroon din sa presscon ng post-Valentine movie ng Star Cinema.

What happened to Daniel? Meron ba talaga siyang shy side or was it just a ploy? Parang ngayon lang kasi namin siyang nakitang naduwag sa isang very simple question, ha.

Read more...