Sulat mula kay Julianne ng Banate, Malungon, Sarangani Province
Dear Sir Greenfield,
May boyfriend ako sa ngayon at magto-two years na ang aming relasyon. Madalas na may nangyayari na sa amin, kaya sabi ko sa kanya, bago ako mabuntis ay magpakasal na kami. Hindi kasi siya gumagamit ng condom sa tuwing kami’y magtatalik, pero sabi nya hindi pa daw siya handa, kasi may pinag-aaral pa raw siyang mga kapatid. Iniisip ko baka alibi nya lang iyon, kaya naisipan kong sumulat sa inyo Sir Greenfield upang itanong kung kami na ba ang magkakatuluyan? Natatakot kasi akong mapagsawaan nya lang ako pagnabuntis na ako ay iiwanan nya din ako. Ano sa palagay nyo siya na kaya ang makakatuluyan ko? December 14,1989 ang birthday nya at April 8, 1990 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Julieanne ng Sarangani Province
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw, makapal at mahabang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kung siya ang first boyfriend mo at siya din ang first love mo, at siya rin ang unang nakagalaw sa iyo, wag kang mag-aala, dahil tiyak ang magaganap – kayo na nga ang magkakatuluyan at magsasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.
Cartomancy:
King of Clubs, Two of Hearts at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing mabuntis kaman ng kasalukuyan mong boyfriend o hindi, walang magbabago sa nakatakdang kapalaran, sa bandang huli, walang duda kayo din ang magkakatuluyan.
Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.