Iñigo Pascual umamin: Inatake ng nerbiyos nang makaharap na sina Daniel at Kathryn

inigo pascual
INAMIN ng anak ni Piolo Pascual na si Iñigo na inatake siya ng grabeng nerbiyos nang si-mulan na ang shooting para sa latest movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na “Crazy Beautiful You” ng Star Cinema.

Ayon sa binata, alam niya kung gaano kasikat at kung gaano kagaling umarte ang magka-loveteam, kaya naman ginawa niya ang lahat para makasabay man lang sa akting ng tinaguriang Kapamilya Teen King & Queen.

“It’s an honor to be working with them po,” ani Iñigo sa ginanap na presscon ng pelikula kamakailan. “I’m very thankful that I’m part of their partnership,” hirit pa ng binata.

“At first I was really nervous to work with them pero nung nakita ko na ang set sobrang happy. Kaya nga nadalian ako makisama. They were very kind and generous so it was very easy,” pag-amin ni Iñigo.

Hindi naman daw siya natakot na gumanap bilang third party sa tambalan nina DJ at Kath, maganda at challenging daw kasi ang role kaya hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ito.

Wala ring issue sa kanya na maging support lang sa pelikula nina Daniel at Kathryn kahit na nagbida na rin siya sa pelikulang “Relaks It’s Just Pag-Ibig” na nagsilbing launching film niya.

“I felt like it will be a challenge since it’s my third movie and first movie with Star Cinema, it’s something different. Saka I think mas malaki ang pressure sa akin ngayon kaysa doon sa ‘Relaks, It’s Just Pag-Ibig’. Challenge po siya,” aniya pa.

Tila natakot naman si Iñigo sa KathNiel supporters kaya  inulit-ulit niya na mabait ang role niya sa pelikula kaya sana raw ay huwag siyang personalin ng mga fans.

Showing na sa Feb. 25 ang “Crazy Beautiful You” sa direksiyon ni Mae Cruz. Kasama rin dito sina Gabby Concepcion at Lorna Tolentino.

Read more...