Bagong kaso isinampa ni Sunshine vs Cesar Montano

cesar montano

MAY bagong asuntong isinampa ni Sunshine Cruz laban sa nakahiwalay nitong mister na si Cesar Montano.

Nakakawindang ang bagong  kasong kailangang harapin ng aktor.

Ayon kay Sunshine ay nagpaparaos umano si Cesar sa harapan mismo ng kanilang mga babaeng anak.

Sa dinami-dami ng mga kontrobersiyal na isyu na kinapapalooban ng mga artistang nag-aaway ay pinakamatindi na ang isang ito. Ang lalaki, inaakusahan ng kanyang misis na gumagawa ng aktong seksuwal sa mismong harapan ng kanilang mga anak, may mas titindi pa ba naman du’n?

Ordinaryo na lang ang mga kuwento ng pambababae ng mister, ang pananakit nang pisikal, pero ang pagbintangan siyang nagpaparaos sa presensiya ng kanyang mga supling na puro babae pa naman ay nakawiwindang na talaga.

Bukas ang Bandera para sa panig ng aktor.

Read more...