Naghahanap ng ka-partner (2) | Bandera

Naghahanap ng ka-partner (2)

Joseph Greenfield - February 13, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Jasmin ng Dao Central Public 

Market, Tagbiliran City,
Bohol
Problema:

1. Nakakalungkot po ang buhay ko kung iisipin kasi ay tuwing sumasapit na lang Valentine’s Day ay lagi ako sa aming magkakaibigan ang walang partner. May mga boyfriend na kasi ang mga friends ko, pero ewan ko ba kung bakit sa edad kong 27 ay hindi ako ligawin.

2. Matumal ang dating sa akin ng mga lalaki at kung minsan may nagkakamali ngang manligaw, hindi naman seryoso. Sir Greenfield, tanong ko lang kung magkaka-boyfriend ako sa Valentine’s Day na darating. July 3, 1987 ang birthday ko.
Umaasa,
Jasmin ng Tagbiliran City, Bohol
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ay nagsasabing sa taon ding ito ng 2015 ay isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Scorpio ang iyong magiging boyfriend.

Numerology:

Ang birth date mong 3 ay nagsasabing ang lalaking nabanggit na magiging first and last boyfriend mo ay isinilang sa petsang 9, 18 at 27.
Graphology:
Upang magka-boyfriend, mas makabubuting buuin mo ang ilalim na bahagi ng letrang “g” sa iyong lagda. Kung lalagyan mo ng “bilog na buntot” ang letrang “g” sa iyong lagda ay kusang lalakas ang iyong sex appeal at tulad ng nasabi na sa taong ito ng 2015, magkaka-boyfriend ka na.

Huling payo at paalala:

Jasmin, ayon sa iyong kapalaran, ang pagkakaroon ng boyfriend ay hindi dapat kainipan dahil ito ay darating na, bagamat hindi ngayong Pebero. Sa buwan ng Marso, sa edad mong 28 pataas, ay isang lalaking may initial na A or C ang magiging boyfriend mo at sa bandang huli ay siya na ring iyong mapapangasawa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending