Horoscope, February 13, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Panindigan ang anumang sinabi! Sa pinansyal, upang kumita ng malaking halaga ay hindi dapat magpabago-bago ng isip. Sa pag-ibig, hinihintay ng kasuyo ang matagal mo ng pangako—mag-date daw kayong dalawa. Mapalad ang 1, 8, 17, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Kebanam-Karam-Aum.” Beige at yellow ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Magiging matagumpay ang larangan ng pag-ibig at romansa, ngunit sa salapi ay nganga pa rin! Ang pinakamabuting gawin ay magtipid! Hinay-hinay muna sa pagkain ng masasarap, mainam ‘yan para lalo kang sumeksi. Mapalad ang 6, 18, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Green at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Habang pabago-bago ang panahon ay may bahagyang karamdamang maranasan. Sa pag-ibig, ang pakikipagromansahan sa kasuyo ang magpapalakas ng immune system. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aspera-Astra-Om.” Violet at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Sa pag-ibig, ngayon pa lang paghandaan na ang romansang gagawin sa araw ng bukas. Uwian ang kasuyo ng isang uri ng pagkaing bilog na nilalagyan ng asin at hinihigop ang sabaw upang lumakas ang kanyang resistensya. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Raga-Kastha-Om.” Green at yellow ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Sundin ang mungkahi ng kasuyo! Hindi ka dapat na maging magastos. Sa pinansyal, isa lang ang susi upang yumaman— maging masinop at matipid. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Nahatha-Om.” Pink at gold ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Kung hindi ka aalis ng bahay, darating ang mga maniningil. Sa susunod, wag ka na kasing mangutang kung wala ka namang pambayad. Sa pag-ibig, kung sadyang kinakapos, ang kasuyong Aries na lang ang hiraman ng pera. Mapalad ang 4, 13, 19, 28, 37 at 43. Mahiwagwa mong mantra: “Mandala-Dosya-Om.” Yellow at pink ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Kahit nagpatong-patong ang mga gawain, kaya mong matapos ang lahat ng iyan. Sa pinansyal, bilis ang susi upang yumaman. Sa pag-ibig, isa-isantabi muna ang mga bagay na may kaugnayan sa emosyon, puro salapi muna ang isipin. Mapalad ang 5, 14, 25, 38, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Lilac at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)— Wag kang umasa sa iba. Sa pinansyal, mas marami kang kikitain kung mabubuhay ka sa sarili mong pagsisikap. Sa pag-ibig, wag silang intindihin. Tama ang nasa isip mo, “kanya-kanya ng taste ‘yan, wala kayong pakialam!” Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Nhame-Om.” Maroon at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Wag kang manghinayang sa mga bagay na wala sa iyo, ikalulungkot mo lang ‘yan. Palaguin ang hawak na salapi sa pamamagitan ng negosyong may kaugnayan sa tubig. Sa pag-ibig, ngayon pa lang ihanda na ang isusuot bukas sa Valentine’s date n’yo ng kasuyo. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Agla-Om.” Blue at white ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Patawarin ang kasuyong nagkasala upang kapag ikaw ang gumawa ng mali ay patatawarin ka rin niya. Sa pinansyal, pautangin ang mga nanghihiram upang kapag ikaw naman ang nagipit mayroon kang malalapitan. Mapalad ang 3, 6, 12, 27, 30, at 34. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Rama-Om.” Green at blue ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Anuman ang problema ay huwag mabubugnot, alalahanin mong Valentine’s Day na bukas. Sa pinansyal, kapag lagi kang masaya ay mas darami ang pera. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa tahimik at malamig na silid. Mapalad ang 4, 14, 22, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kedemel-Om-Hagiel.” Lilac at orange ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag umasa sa suwerte, sa pag-ibig sundin ang tinitibok ng puso! Sa buwang ito ng Pebrero ay gagabayan ka ng iyong emosyon upang marating ang langit. Sa pinansyal, ituloy lang ang pagsisipag upang kumita ng malaking halaga. Mapalad ang 8, 16, 24, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Raga-Kashta-Om.” Red at orange ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Kahit ano ang mangyari ugaliing magpasalamat sa Diyos. Ang taong laging nagte-thank you, maraming biyaya ang natatanggap. Sa pag-ibig, mamayang gabi ay sabihin sa kasuyo, “Salamat, Love,” sabay halik sa kanyang mga labi at bukas n’yo na ituloy ang umaatikabong romansa. Mapalad ang 2, 7, 18, 24, 33 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agara-Agra-Om.” Maroon at violet ang buenas.

Read more...