Daniel kay Kathryn: Walang silbi ang buhay kung wala ka namang partner!

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

Para kay Daniel Padilla, ang love ang isa sa mga nagpapaligaya sa journey ng buhay ng isang tao. At para sa kanya, si Kathryn Bernardo ang isa sa mga mahahalagang tao na kumukumpleto sa buhay niya.

Sa Sabado na ang Valentine’s day kaya natanong sina Kathryn at Daniel kung ano para sa kanila ang love. Chika ni Daniel sa isang interview, “‘Yang love, yan ang nagpapasaya sa journey ng buhay natin. Ibig sabihin, paano magiging masaya ang journey kung wala ka namang ka-partner para i-share ang kasiyahang ‘yon.”

Sey naman ni Kath, “Love is like a journey, marami kang madidiscover, marami kang learnings. Habang tumatanda ka, habang tumatagal mas naiintindihan mo, ‘Ah ganu’n pala yung love.’ Minsan masaya, minsan nahihirapan ka, and nandoon yung thrill.”

Sina Kathryn at Daniel ang bida sa post-Valentine offering ng Star Cinema na “Crazy Beautiful You” directed by Mae Cruz-Alviar. In fairness, sa trailer pa lang ng movie talagang kilig to the bones na ang mga bagets at ang gaganda pa ng mga lugar na pinagsyutingan ng magka-loveteam.

Sa Tarlac kinunan ang ilan sa mga highlights ng “Crazy Beautiful You”, tumagal daw ng halos isang buwan ang shooting nila sa nasabing probinsiya. Sa interview ng Rated K sa Teen King & Queen last Sunday, tinanong ang dalawang bagets kung paano nila ginawang memorable ang isang buwang pagsasama nila roon.

Chika ni Daniel, “Ginagawa ko yung mga ikinasasaya niya, kulitan. Alam naman nating mga lalaki kung anong gusto ng mga babae.

“Yon yung pinapakita ko, kukulitin ko lang ng kukulitin. Minsan gumagana, minsan lalo siyang naba-badtrip,” natatawang kuwento ng binata.

Samantala, ibang-iba na naman ang mapapanood ng madlang pipol sa bagong movie nina DJ at Kath na gumaganap nga bilang sina Kiko at Jackie sa kuwento. Chika ni Daniel, “Mas makulit ako dito, si Kathryn medyo iba ‘yong character na ginawa niya dito sa iba niyang palabas. Mas seryoso siya rito.”

Bukod dito, sabi pa ni Daniel, “Tsaka si Kathryn dito mas wild, siya naman ang rebeldeng anak sa istorya. Ako yung mabait, yung responsable, yung parang perfect na perfect na talaga! Ha-hahaha! So, baligtad naman ang mga karakter namin dito, ‘yun ang bago nilang aabangan.”

Makakasama rin nila sa “Crazy Beautiful You” si Iñigo Pascual bilang ka-love triangle ng KathNiel, at sina Gabby Concepcion and Lorna Tolentino. Showing na ito sa Feb. 25 nationwide under Star Cinema. Nangangamoy “blockbuster hit” na naman ito!

Read more...