INAMIN ng tsinitong aktor na si Richard Yap na plano niyang magdoktor noong kabataan niya.
Medicine raw ang gusto niyang pag-aralan pero tumutol ang kanyang ama na isang businessman and pure Chinese.
He was pushed in taking-up a business management course sa International School for Culinary Arts and Hotel Management sa Cebu City.
Nais daw kasi ng kanyang ama na ipagpatuloy ni Richard ang pamamahala sa kanilang mga negosyo kabilang na ang shipping line, lumber, hardware stores, etcetera. Dalawa lang kasi silang lalaki ng brother niya sa siyam na anak ng parents niya.
May nagki-claim naman na isang Jesuit na kapatid daw ni Richard.
“No, well, we both came from a Jesuit school. He’s not a priest. He’s a businessman also. No, he’s not my brother. I don’t even know him. Pero sinasabi nila taga-Cagayan ‘yan. Pero hindi ako tagaroon. Taga-Cebu kami, e,” esplika ni Richard.
Marahil nagbibiro lang daw ‘yung guy at sinasabing kapatid niya si Richard.
“Hindi naman ako naba-bother kasi ang dami naman nagsasabi ng ganyan. May nagsabi pa nga ata na, ‘Anak ako ni Papa Chen (pangalan ng character niya sa seryeng My Binondo Girl), ‘yung ganoon. Syempre, ang daming nagki-claim, kamag-anak ako ni ano, anak ko ‘yan. Dumami nga mga kamag-anak ko. Ha-hahaha!”
Naku, hindi na bago ‘yan among showbiz celebrities. Biniro na lang namin si Richard at least nagkaroon na siya ng baptism of fire sa ganyang isyu at ka-level na niya ang mga sikat sa showbiz.
Anyway, malapit na ang Chinese New Year. Nagse-celebrate rin daw sila ng family niya just like ordinary New Year ng mga Pinoy.
Kahit born and raised dito sa Pinas, sinusunod pa rin ni Richard ang mga traditional values at kultura ng Chinese. Isa na diyan ang pagiging kuripot daw ng mga Intsik.
“It depends,” ngiti niya. “Saka we don’t need to flaunt. ‘Yung iba kasi kapag may pera gastos nang gastos, party tayo tonight, mga ganyan. Hindi kasi ganoon ang mentality ng Chinese, e. Kasi sa amin, we work hard for the money. We work hard kaya kailangan i-save mo para meron ka for the rainy days.
“At saka ‘yung sini-save mo rin gagamitin mo rin kapag dumating ang time na wala ka nang pagkukunan. You don’t have to worry yourself. Para sa pangnegosyo mo rin. Dati kasi ang Chinese ayaw mangutang, e. So, we have to save the money para mag-open ka ng negosyo.”
Sa nalalapit na Valentine’s day, tinanong namin si Richard kung sa kanyang restaurant na Wang Fu Bistro sa Tomas Morato o sa Wang Fu Café sa UP Town Center ba sila magdi-dinner ng misis niyang si Melody.
“Ah, ano lang, quiet dinner lang kami. Minsan wala naman kaming plano. Kasi ayaw naming makipagsabayan sa mga tao. Karamihan ng mga tao kumakain sa labas. Pwede mo naman gawin ‘yan any other day, e,” sagot niya.